top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Utol ng aktres, nagsalita na… CRISTINE, PINAYUHAN NI ARA SA HIWALAYAN KAY MARCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 4, 2025



  • Ara Mina at Cristine Reyes - IG

Photo: Ara Mina at Cristine Reyes - IG


Hindi natitigil ang isyung hiwalay na umano sina Cristine Reyes at Marco Gumabao. At hindi naman maiwasang matanong ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina tungkol dito.


Sa isang panayam, binigyang-diin ng aktres na hindi siya ang tamang tao para magsalita tungkol sa tunay na kalagayan ng relasyon ng sister at ng aktor.


Ikinuwento ni Ara na nagbibigay siya ng payo at opinyon sa kapatid ngunit sa huli ay iginagalang niya ang anumang desisyon na pipiliin ni Cristine para sa sarili.


Aniya pa, sa kabila ng mga usap-usapan, nananatiling buo ang suporta ng kanilang pamilya at handa silang samahan si Cristine sa anumang daan na kanyang tatahakin.


Sa panayam ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), diretsahang nilinaw ni Ara na wala siyang balak ibahagi ang anumang detalye hinggil sa estado ng relasyon ng dalawa. 


Aniya, “Kung ano’ng alam ko, it stays with me, and I am not the right person to tell the real score.


“Basta, ang masasabi ko lang sa kanya, nandito lang kaming family,” aniya pa.


Naka-3 asawa, cheater daw…

REY PJ: IBINULGAR NG MAG-INANG REA AT CARLA LABAN SA AKIN, BRUTAL!


INALMAHAN ni Rey “PJ” Abellana ang pasabog ng kanyang mag-ina na sina Rea Reyes at Carla Abellana sa Unplugged YouTube (YT) Channel ni Julius Babao.


Ibinuhos ng aktor ang kanyang saloobin matapos mapanood ang interview dahil aniya, isang panig lang ang narinig ng publiko kaya siya ay lumabas na masama sa mata ng tao.


Nasaktan si Rey PJ dahil masyado na raw personal at pribado ang mga sinabi ng kanyang mag-ina.


Matagal daw siyang nanahimik tungkol sa kanilang nakaraan, ngunit ngayon ay kailangan na niyang magsalita upang malinawan ang lahat.


Sa nasabing interbyu, tinalakay ng mag-ina ang mga isyung personal kabilang na ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Rea at PJ at ang isyung cheating na tila paulit-ulit na ibinabato sa aktor.


“Brutal,” ani Rey PJ tungkol sa mga salitang kanyang narinig.

Pagpapatuloy niya, “May mga statements na binitawan na talagang against me.”


Sinabi pa ng aktor na hindi niya inaasahang ilalabas pa sa publiko ang mga ganitong sensitibong bagay na matagal na sanang nakabaon.


“Supposedly private matters na ito. All this time I’ve been quiet... until napanood ko ‘yung interview nila,” dagdag pa niya.


Hindi rin pinalampas ng aktor ang isyu ng pagkakaroon umano niya ng tatlong asawa at ang paratang na pagiging ‘cheater’ sa bawat naging relasyon.


Paliwanag niya, hindi alam ng dating pamilya niya ang mga detalye ng kanyang mga naging relasyon pagkatapos ni Rea, kaya’t nakapanghihinayang na basta-basta na lamang siya hinusgahan.


“All the while, wala akong inilalabas against them,” diin pa ng aktor.

Aniya, hindi siya nagsalita noon upang protektahan ang kanyang mga anak at ang kanilang dignidad. 


Sa kabila ng personal na pagsubok, masaya si Rey PJ na tuluy-tuloy ang kanyang trabaho sa industriya.


Kasalukuyan siyang bahagi ng The Heart of Music (THOM), isang musical film na pinagbibidahan ni Gladys Reyes at ilang Sparkle artists tulad nina Angel Guardian, Kristoffer Martin at Sean Lucas. Ibinahagi rin niya ang tuwa sa muling pagbabalik sa ganitong genre na malapit sa kanyang puso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page