top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

UTOL KAY JERIC, GUMAWA NG EKSENA PARA PAGTAKPAN ANG PAGBUBUNTIS NI AJ

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 2, 2022




Kamakailan ay viral ang kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval dahil sa sinabi nitong may sikat na rapper na nangungulit sa kanya at hindi niya ito type dahil bukod sa may anak na ay cheater pa.


Nasabit pa ang pangalan ni Skusta Clee base sa clue na ibinigay ni Vanessa, na itinanggi naman niya kaya hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin kung sino ang binabanggit ng anak ni Jeric Raval dahil itinanggi na rin ito ng una.


Hayun, umamin na si Vanessa na scripted ang tsika niya para saluhin si AJ sa isyung nagdadalantao ito at para mabaling sa kanya ang atensiyon ng publiko.


Inamin ito ni Vanessa sa kanyang Facebook post, “Gumawa ako ng issue para patahimikin ang sarili mong issue at sa 'kin na lang magalit ang lahat ng tao. Bandang huli, itatanggi mo 'ko. ‘Wag kang mag-alala mahal pa rin kita.”


Mukhang may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid na AJ at Vanessa dahil itinatwa ng aktres ang kapatid niya.


Nag-post si AJ kagabi sa FB account niya ng, “I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa.


“Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa.


“We may share the “Raval” name, pero hindi ko s’ya nakasamang lumaki, hindi rin kami close.


We are very civil 'pag nagkikita at times, but there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), ‘yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama kong lumaki and not with Vanessa.


“We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman.


“Again, we have nothing to do with it. Labas kaming lahat sa issues ni Vanessa. Ganoon din sa akin, labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin.


“Ako na po ang humihingi ng pasensiya sa lahat ng naapektuhan at na-damage lalo na sa

hiphop industry.”


Sabi ni AJ ay hindi sila close ni Vanessa, pero paano niya ipaliliwanag ang inilabas ng netizens na Tiktok video na sumasayaw silang dalawa?


Sino ba ang gumigimik sa kanilang dalawa?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page