Utol, 33 na, aktres, 28 naman… RODJUN: RAYVER AT JULIE ANNE, ITINADHANA SA ISA'T ISA
- BULGAR
- Dec 23, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | December 23, 2022

Sa ginanap na Christmas party at anibersaryo ng Hey, Pretty Skin Aesthetic Center na pag-aari ni Ms. Anne Barretto ay isa si Rodjun Cruz sa mga nagpasaya sa mga bisita na talagang nakisayaw pa sa kanya.
Hindi brand ambassador si Rodjun kundi bisita lang siya dahil personal family friend nila ng asawang si Dianne Medina-Ilustre si Ms. Anne.
Pagkatapos ng production number ni Rodjun ay nakausap namin siya tungkol sa kapatid na si Rayver Cruz at sa girlfriend nitong si Julie Anne San Jose na kamakailan lang inamin ang kanilang relasyon, pero duda namin ay early of 2022 pa lang, sila na, he, he, he!
Aminado ang buong pamilya ni Rayver na botong-boto sila kay Julie Anne.
“Oo naman, kasi si Julie, kasama ko na 'yan dati pa lang, ilang years din ako sa GMA. ‘Yan ‘yung tao na parang si Rayver, ang daming kayang gawin, sobrang talented, pero sobrang humble.

“Minsan (ibang artists), heto lang ang talent pero parang mayabang na. Pero sila, sobrang humble na parang nakakahiya na magyabang sa kanila kasi sobrang galing nila.
“Magaling silang makisama, saka alam mo na parehas silang nagpe-pray kay Lord. Si Lord din talaga ang strength nila. Pagdating sa family, family-oriented sila pareho, so ayun.
“Praying ako kasi si Rayver, sobrang buting bata. Si Julie, sobrang buti rin. And baka si Lord talaga ang naglaan para sa kanilang dalawa. Sila talaga ang nakatadhana para sa bawat isa,” bungad na kuwento ni Rodjun.
Edad 33 na si Rayver at 28 naman si Julie Anne na kung tutuusin ay nasa marrying age na sila pero sa panahon kasi ngayon ay hindi pa lalo’t abala sa kanilang respective careers na ‘strike while the iron is hot’ sa showbiz.
Kaya sa tanong namin kung sa tingin niya ay may plano nang lumagay sa tahimik ang dalawa, “Siguro in God's time. Pero siyempre, hindi ko masasabi na, ‘Bro…' 'Di mo mapaplano na ito next year. Ipinagpe-pray natin kay Lord 'yan, saka siyempre, nasa edad na siya para magdesisyon sa sarili niya.”
Dagdag pa ni Rodjun, “Sobrang happy ako for Ray and for Julie kasi grabe sila 'pag magkasama.

Sobrang talentado nila.
“Tapos, 'pag magkasama sila, kasi nanood ako ng concert ng JulieVerse, grabe! As a kuya, naiyak nga ako kasi nagsa-shine siya (Rayver), sobra, at kita ko na masaya silang dalawa.
"Ang dami nilang na-inspire, so ipinagdarasal ko silang dalawa dahil alam ko na marami silang mapapasaya na tao.”
At ilang araw na lang ay Pasko na at magsasama silang tatlong magkakapatid sa bahay nila ni Dianne.
“Sama-sama kaming magkakapatid, si Kuya, saka si Rayver, kaya excited ako sa Christmas. Si Julie, bibisitahin ni Ray kina Tito,” pahayag ng masipag na hubby ni Dianne at dada ni Joaquin.





Comments