top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Utak’ sa bilihan ng pirma para sa Cha-Cha, yari kay Sen. Imee!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 10, 2024


KARAMIHAN SA MILYUN-MILYONG DEBOTO NG ITIM NA NAZARENO ANG IBINOBOTO, MGA KURAKOT NA TRAPO -- Kahapon ay milyun-milyong deboto ang dumalo sa Traslacion ng Itim na Nazareno.


Sana, sa pagdalo ng mga deboto sa Traslacion ay binigyan sila ni Hesus Nazareno ng wastong pag-iisip sa tamang pagboto ng mga kandidato sa eleksyon.


Sa totoo lang kasi, karamihan sa mga deboto ng Nazareno ang nagpapanalo sa mga kandidatong kurakot, kahit alam na nilang may bahid ng korupsyon umano ang pulitiko, ay mga tiwaling trapo (traditional politicians) pa rin ang kanilang ibinoboto, boom!


◘◘◘


‘UTAK’ NG PAMIMILI NG LAGDA PARA SA CHA-CHA MALILINTIKAN KAY SEN. IMEE -- Ang ating Konstitusyon ay hindi ibinebenta! Iyan ang nasabi ng umuusok sa galit na si Sen. Imee Marcos sa nabulgar na may mga taong nagbabayad ng P100 kapalit ng paglagda ng mga botante sa “People’s Initiative” para sa pagbabago ng Saligang Batas o Cha-cha (Charter Change).


Naku, kapag pinaimbestigahan ni Sen. Imee sa Senado ang isyung ‘yan, tiyak malilintikan sa senadora ang ‘utak’ sa bilihan ng lagda para sa “Cha-cha”, period!


◘◘◘


KAHIT PA SABIHING MALIIT NA HALAGA LANG ANG IDARAGDAG SA BILLING NG KURYENTE, DAGDAG-PAHIRAP PA RIN ‘YAN SA MAMAMAYAN -- Inanunsyo ng Meralco na may maliit na halaga raw na madaragdag sa billing sa konsumo ng kuryente ng mamamayan ngayong buwan ng Enero 2024.


Hay naku, kahit pa sabihing maliit na halaga lang ‘yan ay dagdag-pahirap pa rin ‘yan sa mamamayan, at tiyak, ‘yang sinasabi ng Meralco na maliit na halagang dagdag sa bayad sa konsumo ng kuryente, kapag pinagsama-sama ‘yan ay maaaring bilyun-bilyong piso ang kikitain buwan-buwan ng electric company na ito, boom!


◘◘◘


PABIDA LANG NG PSA NA KAUNTI NA LANG ANG MGA PINOY NA JOBLESS SA ‘PINAS -- Napakaimposible ang ibinibida ng mga appointee ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Philippine Statistics Authority (PSA) na kesyo sa ilalim ng Marcos administration ay 1.18 Pinoy na lang daw ang jobless.


Mantakin n’yo, wala namang foreign investors na nagtayo ng negosyo sa bansa mula nang maging presidente si P-BBM, tapos ang ibibida ng PSA ay kaunti na lang daw ang Pinoy na jobless sa ‘Pinas, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page