top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

UST Tigers, magpapaliwanag; Santiago, babalik sa Japan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2020
  • 2 min read

ni MC / VA - @Sports | August 23, 2020




Ipatatawag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang koponan ng University of Santo Tomas Growling Tigers hinggil sa napabalitang nag-iensayo sila kahit nasa quarantine period.

Base sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 na inilabas ng Department of Health, PSC at ng Games and Amusements Board (GAB)noong nakaraang buwan, ang professional basketball, boxing at football lamang ang binigyan ng pahintulot na makapagsagawa ng limitadong ensayo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ang mga collegiate teams na wala naman sa hurisdiksiyon ng GAB dahil mga amateurs pa ang mga ito ay nasa ilalim ng PSC.

Kinontak na ng pamunuan ng PSC ang mga kinatawan ng UST squad para sa isang Zoom meeting upang pagpaliwanagin ang mga ito tungkol sa alegasyon.


Samantala, nakatakdang bumalik sa Japan si Philippine volleyball star Jaja Santiago upang maglaro bilang import sa Ageo Medics sa Japan V. Premier League sa ikatlong pagkakataon. “I would like to announce na I renewed my contract with Ageo Medics,” anang 6-foot-5 middle blocker sa post nito sa kanyang Instagram page.


“I’m very happy kasi siyempre my Chery family sinuportahan nila ako all throughout my career dito sa Pilipinas and yung sa naging desisyon ko na para pumirma sa Ageo Medics ulit,”wika ni Jaja.


Sa post nito sa kanyang Instagram stories, nagsisimula na si Jaja na magbalut-balot ng kanyang mga gamit at inaasahang babalik na sa Japan ngayong linggo.


Sa kanyang ikalawang taon bilang import sa Ageo, tinulungan ni Santiago ang club na masungkit ang bronze medal sa V. Premier League- malaking improvement kumpara sa 7th place finish ng koponan sa kanyang unang taon sa liga noong 2018 season.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page