Usec. Castro at Kabataan Partylist Rep. Co, tapatan sa pagiging taklesa
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 28, 2025

ERPAT AT UTOL NI SEN. BONG GO, HINDI KASAMA SA TOP 20 CONTRACTORS SA DUTERTE ADMIN KAYA ALEGASYON NI TRILLANES, SABLAY -- Base sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ay lumabas na hindi kasama sa top 20 contractors sa panahon ng Duterte administration ang CLTG Builders na pag-aari ng ama ni Sen. Bong Go at Alfrego Builders and Supply na pag-aari naman ng half-brother ng senador, dahil ang number 1 contractor ay ang St. Gerrard Construction and Development Corporation ng mag-asawang Discaya at ang rank 20 ay ang Rudhil Construction Enterprises Inc.
Ang hindi pagkakasama ng CLTG Builders at Alfrego Builders and Supply sa top 20 contractors sa panahon ng Duterte admin ay pagpapatunay na totoo ang binanggit ni Sen. Bong Go na never siyang nakialam para makakuha ng kontrata sa gobyerno ang kanyang mga kamag-anak, dahil kung totoo ang alegasyon ni Trillanes na ginamit ng senador ang kanyang power, dapat sana ay top contractor ang CLTG Builders at Alfrego Builders and Supply, eh ang katotohanan nga, ni wala sa top 20 contractors ang ama at kapatid niya (Sen. Bong Go) sa panahon ng Duterte admin, period!
XXX
PAGKAKASANGKOT NI SEN. VILLANUEVA SA PORK BARREL SCAM, KAKALKALIN NG OMBUDSMAN KAYA HINDI PA SIYA SAFE SA KASO -- Sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na muli raw nilang pag-aaralan ang kaso ni Sen. Joel Villanueva patungkol sa pork barrel scam, na dinismis ni former Ombudsman Samuel Martires.
Kumbaga, parang sinabi ni Remulla na hindi pa safe si Sen. Villanueva sa kasong may kaugnayan sa pork barrel scam, boom!
XXX
PAGIGING TAKLESA NI PCO USEC. CLAIRE CASTRO, TINAPATAN NG PAGIGING TAKLESA NI KABATAAN PARTYLIST REP. RENEE CO -- Ang pagiging taklesa ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Spokesperson Claire Castro ay tinapatan din ng pagiging taklesa ni Kabataan Partylist Rep. Renee Co.
Hindi kasi nagustuhan ni Rep. Renee Co ang statement ni Castro na hindi raw dapat gawing lisensya ng mga kabataan ang laging magprotesta sa lansangan sa panawagang papanagutin ang mga sangkot sa flood control projects scam, kaya ang resbak ng Kabataan Partylist representative, hindi rin daw lisensya sa mga may posisyon sa pamahalaan ang mang-abuso sa tungkulin at magnakaw sa kaban ng bayan, period!
XXX
TAAS-SINGIL SA CAVITEX, DAGDAG-SAKIT NG ULO SA MAMAMAYAN -- Ngayong araw na (Oct. 28) ang toll fee hike ng Cavitex.
Pambihira naman ‘tong Marcos admin, kasi mantakin n’yo, sakit-ulo na nga ang mamamayan sa nabulgar na aabot umano sa halos P1 trillion pera ng bayan ang na-scam ng mga kurakot sa flood control projects, tapos dinagdagan pa ang sakit-ulo ng taumbayan sa dagdag sa toll fee ng Cavitex, pwe!








Comments