US visa ni Romualdez, binawi
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 6, 2026

Photo: Martin Romualdez - FB
Pinawalang-bisa na ng Estados Unidos ang lahat ng visa ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa impormasyong ibinahagi nito sa media nitong Biyernes.
Ayon kay Romualdez, opisyal na kinansela ng US ang lahat ng uri ng visa ng kanyang pinsan, kabilang ang diplomatic at tourist visa nito.
Sa nangyaring hakbang ng kasalukuyang Trump administration ay wala pang karagdagang nakukuha si Romualdez na iba pang detalye kaugnay ng isyu.
“All I can say is it's confirmed. I don't have any details,” pahayag ni Ambassador Romualdez.





Comments