top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

US Marine, inaresto sa hinalang pagpatay sa babae sa Okinawa

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by BRT @News | October 6, 2026



US Marine inaresto sa hinalang pagpatay sa babae sa Okinawa - Courtesy Yuichi YAMAZAKI - AFP

Photo: US Marine inaresto sa hinalang pagpatay sa babae sa Okinawa - Courtesy Yuichi YAMAZAKI - AFP



Inaresto sa Okinawa, Japan ang 20-anyos na US Marine na si Lance Cpl. Devin Jacob Ballard dahil sa hinalang pagpatay at pagnanakaw sa isang 39-anyos na babae sa loob ng hotel.


Ayon sa pulisya, natagpuang patay si Anna Yagi sa isang hotel sa Naha. Kinuha rin umano ni Ballard ang kanyang wallet at backpack. Itinatanggi naman ng Marine ang alegasyon.


Dahil sa insidente, nagprotesta ang gobyerno ng Japan sa Estados Unidos at hiniling ang buong kooperasyon sa imbestigasyon.


Tinawag ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na brutal at karumal-dumal ang insidente at hiniling ang mahigpit na disiplina sa mga tauhan ng US military.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page