Mahigit 100-anyos na kampana, ninakaw sa simbahan sa Bohol

by BRT @News | October 6, 2026

Photo: 100 anyos na kampana ninakaw sa Bohol - Courtesy Loboc Parish - Fr Agerio Paña
Ninakaw ang mahigit 100-anyos na kampana sa San Pedro Apostol Parish sa Loboc, Bohol.
Sa CCTV, nakita ang dalawang lalaki na pumasok sa kumbento noong Oktubre 4 at kinuha ang kampana na may markang taong 1914.
Isinakay umano ito sa isang motorsiklo na may sidecar.
May person of interest na ang pulisya na kasalukuyang hinahanap.
Nanawagan naman ang pari na si Rev. Fr. Agerio Paña sa mga antique collector at may-ari ng junk shop na huwag tanggapin o bilhin ang kampana kung may mag-alok nito.
Posibleng durugin o putulin ang brass o bronze na kampana para ibenta bilang scrap metal.





Comments