DPWH: Hindi lang sa Davao ang flood control probe

by BRT @News | October 6, 2026

Photo: Davao flood control project / DPWH
Nilinaw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na hindi lang Davao City ang iniimbestigahan kaugnay ng mga flood control projects na posibleng may iregularidad.
Ayon kay Dizon, susundan nila ang ebidensya saanman ito humantong, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi rin niyang may mga imbestigasyon sa iba’t ibang lugar tulad ng Taguig, Iloilo, Cebu at Bulacan.
Ayon kay Dizon, kahit saan may magsumite ng reklamo, bubuksan nila ito para sa imbestigasyon.
Samantala, pinuna rin niya ang dating flood control works sa Talomo River sa Davao City matapos matinding bahain ang lugar noong Hulyo 24.





Comments