top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Chinese Embassy, itinanggi ang pondo sa political faction

Writer: BULGAR
BULGAR
55 minutes ago
1 min read

by BRT @News | October 6, 2026



Courtesy Chinese Embassy Manila

Photo: Chinese Embassy Manila



Itinanggi ng Chinese Embassy sa Manila ang alegasyong nagbigay ng pondo ang China sa isang political faction sa Pilipinas.


Ayon kay spokesperson Ji Lingpeng, “false narrative” umano ito at ginagamit para siraan ang China.


Wala mang binanggit na pangalan si Ji, inilabas ang pahayag kasunod ng alegasyon ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na nakatanggap umano ng pondo mula China ang mga kumpanyang konektado kay Vice President Sara Duterte at sa asawa nitong si Manases Carpio.


Kabilang dito ang ₱319 milyon na umano’y pumasok sa Cale88 at ₱150 milyon na donasyon sa Tapang at Malasakit Foundation noong 2019.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page