top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

US-Iran war, walang kasiguraduhan kung kailan matatapos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | August 17, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Hindi magkandatuto ang mga senador sa pagtuturuan.

Sa expose ng dating DPWH secretary, tinukoy niya na halos lahat ng senador ay may “pondo” na nakatoka.

Tsk!!


-----$$$--


Nauubos ang panahon at espasyo ng media sa flood control scam at budget modus kaya nakakalaya naman ang mga pusakal na smuggler sa Aduana.

Kumbaga, nakakadiskarte sila kasi walang nag-iimbestiga.

Kung abala ang mga pusa, malaya ang mga daga!


-----$$$--


Kahit nililihim, umuusok ang katiwalian sa Aduana kasi hindi mapigil ang bunganga ng mga Marites.

Ayon kay Super Marites, anumang oras ay biglang sasabog ang napakalaking modus sa Aduana.


----$$$--


Malakas ang bulungan na nakarating na raw sa Palasyo ang kabalbalan ng “Batman and Robin tandem” na isang alyas Sitien at Agent Dobol.

At dahil dito, maaari na rin itong imbestigahan ng Office of the Ombudsman sakaling may “bumulong.”

He-he-he!


-----$$$--


ANG tsismis ay nag-ugat sa alegasyon at pagkakasangkot umano ng dalawang “bida” sa “extortion” para mailabas ang huling ilegal na shipment ng sigarilyo at vape.

Totoo ba ‘yan? Delikado ‘yan, huh!


----$$$--


NAHARANG kamakailan ang nasabing epektos ng sigarilyo sa Bulacan, samantala ang vape ay sa Port of Manila. 

May tsismis na hindi lang  P10 milyon ang idinidiskarte bagkus ay P25 milyon daw para sa sigarilyo lamang.

Isa itong paniwalaan-dili!


-----$$$--

HINDI natin alam kung gaano katotoo na sa “yosi” pala ang ibinigay ay P25 milyon.

Sinasabing isang P15 milyon tapos may isa pang P10 milyon, na tipong paper bag at maleta.

Ha-ha-ha!


-----$$$--


Hanggang ngayon ay hinihintay ang desisyon, aksyon at komento ni Kume sa naturang alingasngas na ikinakalat ng mga tsismoso’t tsismosa sa bisinidad ng Customs.

Habang tumatagal, nababahala ang ilan na baka mapagbintangan si Kume na isang dakilang Kunsintidor.


-----$$$--


Walang linaw kung hanggang kailan matatapos ang giyera ng US at Iran.

Bumababa na nang todo ang halaga ng piso kontra-dolyar.


----$$$--


KAPAG bumaba ang piso, apektado ang importasyon.

Lalong magpipiyesta ang mga pusakal na smuggler, broker at fixers.


-----$$$--


HINDI pa humuhupa ang ulan.

Tiyak na papalit d’yan ang matinding init.


-----$$$--


KAAWA-AWA si Juan, walang sisilungan.

Sala sa init, sala sa ulan.

Magdasal tayo nang walang patid!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page