top of page
Heart Evangelista - IG.jpg

US-Iran war, tinapos na... Mataas na presyo ng langis, 1 taon pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 16, 2026



Oil depot war

Photo: File



Sa kabila ng pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin umano agad babalik sa dati ang presyo ng langis.


Ayon sa Department of Energy (DOE), aabutin pa ng kalahati hanggang isang taon bago bumaba ang presyo ng langis. Ito ay dahil pa umano agad maibabalik sa dati ang supply lalo’t may mga bansa tulad ng Qatar ang nasira ang gas facility.     


Una nang kinumpirma ng Pakistan na nagkasundo na ang Estados Unidos at Iran upang wakasan ang digmaan at muling buksan ang Strait of Hormuz, hudyat na ang mahigit tatlong buwan na giyera sa Middle East ay nagtapos na. 


Ayon sa Pakistan, ang hakbang ng dalawang magkalabang bansa ay inaasahang magbibigay-ginhawa sa pandaigdigang ekonomiya. 


Gayunman, hindi pa agad isinapubliko ang kumpletong detalye ng kasunduan.

Nakatakdang lagdaan ang kasunduan sa Biyernes sa Switzerland, bagaman hindi pa malinaw kung gaano kabilis muling magbubukas ang Strait of Hormuz para sa lahat ng

shipping vessels. 


Nauna nang ipinahayag ng Estados Unidos na paluluwagin nito ang blockade sa mga pantalan ng Iran habang unti-unting nagbubukas ang Strait of Hormuz.


Kasama rin sa inaasahang hakbang ang pagpapaluwag ng ilang parusa upang makapagbenta muli ng mas maraming langis ang Iran at makatulong sa pagbangon ng ekonomiya nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page