US at UK, nagsagawa ng airstrikes vs. Houthi rebels
- BULGAR

- Feb 26, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 26, 2024

Nagpaulan ng panibagong airstrikes gamit ang mga fighter jets ang United States at United Kingdom laban sa 18 Houthi sites sa Yemen.
Ito ang ika-apat na operasyon ng dalawang bansa laban sa mga Houthi rebels.
Ang kanilang ginawang hakbang ay para pahinain ang kakayahan ng mga nasabing rebelde, ayon sa UK.
Matatandaang tinarget ng mga Houthi rebels ang mga sasakyang pandagat na dumadaan sa Red Sea matapos magsimula ang mga pag-atake ng Israel sa Hamas.





Comments