US$677 million cocaine nasabat

ni Ejeerah L. Miralles (OJT) | March 6, 2023

AUSTRALIA — Nasabat ng pinagsamang operasyon ng US at Australia ang tinatayang 2.4 toneladang cocaine sakay ng isang barko sa baybayin ng South America na patungong Australia.
Arestado at nakasuhan ang nahuling 12 suspek.
Ayon sa pulisya, kaugnay ng Mexican drug cartel ang naturang cocaine at may street value na humigit-kumulang A$1 bilyon (US$677 milyon) o katumbas ng kalahating taunang drug consumption ng Australia.
Itinuturing ang nasabing operasyon na isa sa pinakamalaking nasangkot ng pulisya.





Comments