top of page

UP student, kabilang sa mga napatay sa ‘sagupaan’ sa Negros Occidental

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 1 min read

ni Lolet Abania @News | April 23, 2026



Alyssa Alano - FB

Photo: File / Circulated / UP Diliman Student Council



Isang student leader mula sa University of the Philippines (UP) Diliman ang kabilang sa 19 na napatay sa tinatawag ng militar na ‘engkuwentro’ sa mga rebeldeng New People’s Army sa Toboso, Negros Occidental noong Linggo, Abril 19, ayon sa UP Diliman University Student Council (USC).


Sa isang pahayag, sinabi ng UP Diliman USC na si Alyssa Alano, Education and Research councilor ng USC, ay kabilang sa mga namatay nang pinaputukan umano ng 79th Infantry Battalion ng 3rd Infantry Division ang isang komunidad sa Barangay Salamanca sa Toboso.


“Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan,” batay sa kanilang statement, kung saan ang pahayag ay hindi tumutukoy sa insidente bilang isang engkuwentro o sagupaan.


“Kaugnay nito, ibinabalita ng UP Diliman University Student Council na isa sa mga nasawi ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano dahil sa pasistant atake at panunupil ng militar sa Negros,” anito.


Noong Lunes, iniulat ng Philippine Army na 19 umano’y miyembro ng NPA ang napatay sa isang engkuwentro sa 79th Infantry Battalion ng 3rd Infantry Division sa Barangay Salamanca sa Toboso, Negros Occidental noong Linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page