UP Maroons, wagi sa Game 1; Sisi-Jovelyn, gold sa Pro Tour
- BULGAR
- Dec 12, 2022
- 2 min read
ni Gerard Arce / AS - @Sports | December 12, 2022

Namumurong makuha ng defending champions University of the Philippines Fighting Maroons ang kanilang ikalawang kampeonato ngayong taon matapos maligtasan ang bangis na paghahabol ng Ateneo de Manila University Blue Eagles sa bisa ng 72-66, kagabi sa Game 1 ng best-of-three championship series ng 85th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament sa 18,211 strong crowd na SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ibinulsa ng UP ang trono matapos ang pitong buwan ng tapusin nito ang 36-taon na pagkagutom sa korona na ginagabayan ni head coach Goldwin Monteverde, na kinakailangan na lamang ng isang panalo sa darating na Miyerkules upang magawa ang makasaysayang dalawang kampeonato sa loob ng isang taon kasunod ng mas pina-igsing collegiate sports calendar dulot ng COVID-19 pandemic. Nagbida para sa “Battle of Katipunan” si Zavier Lucero na bumuslo ng double-double sa 14 puntos, 10 rebounds, dalawang assists at dalawang block shot.

Samantala, ginapi ng tambalan nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang kampihan nina Jen Eslapor at Floremel Rodriguez sa all-Philippines final sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures kahapon ng umaga sa Subic.
Tumapos ang tandem nina Rondina at Gonzaga sa iskor na 22-24, 21-12, 15-12 kung saan ang bawat teams ay nagpakita ng tapang bagamat may iniindang injury.
Ininda ni Rondina ang pulikat sa kanang binti hanggang sa baywang sa buong laban habang kailangan pa ni Eslapor ng five-minute medical timeout sa second set na pinulikat din hanggang sa kanyang tiyan ang sakit.
"We were tired … after having gone through the competition, the pressure and the strong opposition," ani Rondina, ang pinakatanyag sa apat na finalists sa jampacked crowd na Subic Bay Sand Court.





Comments