top of page
Pokwang.jpg

Unti-unting pagluwag ng quarantine restrictions, mas oks sa M. Mla mayors

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2020
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | October 21, 2020


Sa halip na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila, inirekomenda ng mga alkalde na palawigin muna ang General Community Quarantine (GCQ) hanggang Disyembre ngayong taon.

Dahil sa banta ng COVID-19, ayaw din nilang pabuksan ang mga sinehan, concert at Christmas parties sa mga pribadong sektor.

Kasabay nito ang pagbawas sa oras ng curfew sa Metro Manila na gagawin nang alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Habang nasa GCQ pa ang NCR, dapat munang paigtingin ang mga hakbang kontra COVID-19.


Dahil mas marami nang pinapayagang lumabas, mas malaki ang tsansa na magkahawaan.

Kaya pakiusap sa publiko, tiyaking nasusunod ang minimum health protocols sa lahat ng oras.

Kapag nasa pampublikong lugar, magkusa nang dumistansiya at isuot nang tama ang facemask, gayundin ang face shield.

Bukod pa rito, maging tapat sa pagsagot ng health declaration forms, at ‘pag wala sa kondisyon ang katawan, ‘wag na lang lumabas.

Ang pananatili ng quarantine restriction ay paalala na may virus pa rin sa paligid.


Bagama’t mas marami nang pinapayagang lumabas, hindi naman ibig sabihin nito na makakampante tayo.

Ibig sabihin din, magpa-Pasko at Bagong Taon tayong naka-quarantine. Pass muna sa party-party para iwas-hawaan.

Ibang-iba man sa ating nakasanayan, ‘ika nga, sakripisyo muna para sa ikabubuti ng nakararami.


Suportahan natin ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan at tiyak na sama-sama nating malalabanan ang virus na ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page