top of page
Search
  • BULGAR

Unti-unting pagbangon ng sektor ng turismo sa bansa

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 25, 2021



Para sa International Monetary Fund, isang fiscal stimulus package ang sagot upang makaraos ang industriya.


Sa report na inilathala ng IMF na, “Tourism in the Post-Pandemic World: Economic Challenges and Opportunities for Asia-Pacific and the Western Hemisphere,” iminungkahi na, “fiscal stimulus will be more beneficial when directed toward aiding the recovery and transition of the tourism sector.”


“Fiscal support can help offset some of the losses in the economy. Asean-5 (Indonesia, Malaysia, the Philippines, Thailand, and Vietnam) is an instructive case, as countries in the region are somewhat diversified and some fiscal space is available,” dagdag nila.


☻☻☻


Bago magkaroon ng pandemya, nasa 20% ang ambag ng sektor ng turismo sa gross domestic product ng bansa, at 1/5 ng kabuuang employment sa bansa.


Ayon sa IMF, malaki ang maitutulong kung magkaroon ng infrastructure investment sa mga rehiyong nakasalalay ang kita sa turismo upang mai-update ang mga pasilidad at magkaroon ng shift sa lokal na ekonomiya tungo sa ibang larangan.


Bukod pa rito, ang maigi sa infrastructure investment ay nakakadulot ito ng “longer-term increase in economy-wide productivity.”


☻☻☻


Maganda ang rekomendasyon ng IMF, at makatutulong kung gagamiting guideline ng ating pamahalaan upang masukat ang sarili nating stimulus package sa porma ng Bayanihan 1 at 2.


Nais nating samantalahin ang pagkakataon na muling idiin sa mga ahensiya ang kahalagahan ng pangangalap ng data at pagtatalaga ng mga metrics upang lalong masuri ang pagka-epektibo ng mga programang ipinatutupad nila.


Paunti nang paunti ang pondo, kaya mahalagang palaging pasok sa layunin ang paggastos natin.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page