Unti-unti nang lumalantad… YASSI, HAPPY PARA KINA JULIA AT COCO
- BULGAR
- Nov 10, 2022
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 10, 2022

Si Yassi Pressman ang Calendar Girl 2023 ng Ginebra San Miguel, Inc. na ipinakilala sa lahat sa ginanap na launching sa Makati Diamond Residences nu'ng Martes nang gabi.
Super sexy ni Yassi sa suot na violet gown na may mahabang slit kaya kitang-kita ang "shining, shimmering, splendid" niyang legs na in fairness, mapintog at mabilog man, proportioned naman sa kanyang body figure at height.
Marahil ay marami ang nagtataka kung bakit si Yassi ang kinuhang Calendar Girl ng Ginebra na kilalang inuming pang-masa, samantalang ang image ng aktres ay sosyal at inglesera.
Well, ang analysis d'yan, para siguro makuha na rin ng GSMI ang 'sosyal' crowd at 'yung mga mahilig mag-party-party na kabataan dahil ang dami nang bagong flavor na pagpipilian ngayon sa Ginebra San Miguel na sakto sa iba't ibang panlasa ng mga mahilig mag-chill at uminom.
Pero para sa mga taga-GSMI, ang pagiging "ganado sa buhay" at "never say die" attitude ni Yassi ang nakita nila para ito ang mapiling gawing Calendar Girl 2023 dahil swak 'yun sa kanilang tagline.
Ang maganda pa kay Yassi, kahit super sexy na ng mga suot nitong bikini sa kanyang calendar pictorial, wholesome at classy pa rin ang kanyang dating at hindi bastusin.
Sabi nga ni Yassi nang makausap namin after her launching, gusto pa rin kasi niyang i-maintain ang kanyang image bilang 'role model ng kabataan' kahit pa nagpapa-sexy siya at ngayon nga ay nag-e-endorse ng inuming nakalalasing.
In fact, kahit inamin ni Yassi na umiinom din siya sa mga social gatherings at party nilang magkakaibigan, hindi siya nagpapakalasing at pinipili niya ang mga kainuman para nga naman safe siya.
Payo rin niya sa lahat, "Drink moderately and responsibly."

Kaya naman hindi puwedeng butasan si Yassi ng mga bashers ngayong nag-e-endorse na siya ng alak na siya ang bad influence sa kanyang BFF na si Nadine Lustre kaya ito nahilig mag-party-party at tumoma.
Sagot nga ni Yassi sa mga bashers na mag-aakusa sa kanya niyan, "She's (Nadine) an adult and she's older than me."
Oo nga naman, 'no! Kahit pa mag-BFF sila ni Nadine, may kani-kanya naman silang utak.
Anyway, naitanong din namin kay Yassi kung feeling ba niya ay vindicated siya na wala talaga silang relasyon o naging relasyon ni Coco Martin na dati niyang kapareha sa Ang Probinsyano dahil unti-unti na nga ngayong nalalantad na sina Coco at Julia Montes talaga ang mag-jowa.
Sagot ni Yassi, wala naman siyang dapat ikomento para kina Coco at Julia pero masaya raw siya para sa dalawa, same thing na masaya na rin naman siya sa kanyang boyfriend na si Jon Semira na isang businessman at basketball player.
So, sa mga fans nina Coco at Yassi, move on na, ha?! May nanalo na! Paaaak!





Comments