top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

UNITEAM AT KAKAMPINK, 'NAGSABONG' DAHIL KAY AI AI

Nitz Miralles
Apr 19, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 19, 2022




Ang pagti-TikTok ang libangan ni Ai Ai delas Alas sa locked-in taping ng Raising Mamay, solo man siya o kasama ang ibang cast ng drama series ng GMA-7 na premiere na sa April 25.


Ang kaibahan sa TikTok ni Ai Ai, madalas ay naka-swimsuit siya (may naka-two-piece pa nga) at makikita ang kanyang kaseksihan.


Sa virtual mediacon ng Raising Mamay, naikuwento ni Ai Ai ang sakripisyo niya para pumayat. Ilang taon na siyang hindi kumakain ng rice dahil allergic siya sa rice at corn. Ang kinakain niya, kailangang gluten-free, no sugar at bawal din sa kanya ang prito at sinigang lang ang madalas niyang ulam at more on veggies and fruits.


Sa pagiging strict ni Ai Ai sa food intake niya, pumayat na siya, nawala pa ang vertigo at asthma. Sa mga gustong pumayat at mawala ang sakit, gayahin ang food intake ni Ai Ai.

Siniguro pala ni Ai Ai na maiiyak ang manonood ng Raising Mamay dahil sa magandang story, husay ng cast at galing ng mga writers at ni Direk Don Michael Perez.


Na-touched si Ai Ai sa sinabi nitong ang Comedy Queen lang ang makakagawa sa mga eksena niya sa afternoon series.


Samantala, naging controversial ang latest TikTok ni Ai Ai dahil sa sinabing magulo ang pulitika at baka sa TikTok niya, matahimik kahit ilang segundo lang.


“Basta ako, BBM-SARA, merong UNITY.”


Ayun na, nagsagutan na ang maka-UniTeam at Kakampinks, mga comments na dinededma na lang ni Ai Ai.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page