Union Bell mapapalaban
- BULGAR
- Jan 7, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 07, 2022
Inaasahang bakbakan ang masisilayan ng mga karerista sa unang karera ngayong araw ng Biyernes sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Pitong tigasing kabayo ang magbabanatan sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System kung saan posibleng makakuha ng malaking suporta sa mga karerista ang kalahok na No Problem at magka-kuwadrang Boodle Fight at Don't Say Bad Words.
May distansyang 1,400 meter race, ang ibang kasali ay sina Full Of Alibi, Go Go Rosario, Laughing Tiger at Marangal. "Mahirap mamili diyan kaya mas maganda kung mag-tatlo ka para malaki ang tsansa na maka-one point agad sa winner take all," saad ni John Paul Villegas, karerista. Makikilatis ang tikas ni Union Bell sa sasabakang Condition Race Merged (10) na ilalarga sa pang-anim na karera.
Gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez, haharapin ni Union Bell ang anim na tigasing kabayo sa distansyang 1,400 meter race.
"Mahihirapan manalo si Union Bell diyan, kaya pero sigurado pahirapan," ani Angelito Valdez.
Si Union Bell ang dating tigasin at kampeon sa Juvenile ay makakatagisan ng bilis sina Magtotobetsky, Stravinsky, Runawayfromrosenot, Box Office, My Prancealot at Namayan.
Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Samantala, pitong balanseng karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.





Comments