top of page

Unfair daw sa 3 anak kina Lian at LJ… PAOLO, AYAW NA MUNANG BUNTISIN SI YEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 9, 2023




Wala na raw muna sa plano ngayon ni Paolo Contis na dagdagan pa ang kanyang tatlong anak na babae.


Hindi kaila sa lahat na may dalawang anak si Paolo with estranged wife Lian Paz na sina Xonia and Xalene and may isa naman siyang anak sa ex-GF ding si LJ Reyes na si Summer.


Sa panayam ni Ogie Diaz kay Paolo sa vlog nito, naitanong niya sa aktor kung wala ba itong plano na dagdagan ang mga anak.


As we all know, inamin na ni Paolo na si Yen Santos ang bago niyang karelasyon ngayon.


“At the end of the day, natutunan ko na kailangan kong ayusin lahat,” ani Paolo.


“It will be very unfair kung sabihin kong gusto kong magkaroon ng anak pa. Unfair ‘yun sa bata, na marami akong bagay na hindi ayos. Unfair ‘yun du’n sa baby, unfair ‘yun du’n sa ibang mga bata,” dagdag pa ng aktor.


“Siguro, bago ako mag-jump into that, everything has to be fixed. Everything, literally, sa mga bata, sa akin, as a person. I wanna make sure I’m stable enough to actually have another,” patuloy niya.


Kaya napakalaking bagay nga raw sa kanya na napasama siya bilang host ng Eat… Bulaga! dahil karagdagang income nga naman ito sa kanya.


“Sa totoo lang, malaking bagay sa akin ang Eat… Bulaga!, naging maayos ‘yung trabaho ko,” he said.


When asked kung para saan ang pagsisipag niya, sey ng aktor, “Sa lahat nu'ng kailangan.”


He added, “It will not fix lost time, but it will fix a lot of things, personally. Now, I’m trying to you know, rebuild, and I’m very thankful sa TAPE, isa ako sa nakuha, pinagkatiwalaan nila akong magpatuloy ng show.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page