top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Unawain na lang daw… HIRIT NG PARENTS: MOIRA, MAY MENTAL HEALTH PROBLEM

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 3, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 3, 2023




Sa recent post ng songwriter na si Lolito Go sa social media, nabanggit niya na nagkita at nagkausap na sila ng mga magulang ni Moira Dela Torre.


Maganda naman daw ang naging resulta ng kanilang pag-uusap. Mababait at maka-Diyos daw ang mga magulang ng singer.


Mahinahon ang kanilang naging pag-uusap at ang mga magulang na raw mismo ni Moira ang nakiusap kay Lolito na sana ay huwag nang humantong sa demandahan ang problema nila. Pag-usapan na lang daw nang maayos ang lahat.


Nabanggit din ng mga magulang ng singer na may pinagdaraanang mental health problem si Moira at ito raw ang dahilan kung bakit paiba-iba ang mood ng singer.


Kaya naman, humingi ng pang-unawa ang mga magulang ni Moira kay Lolito para sa kanilang anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page