top of page

Unang pundar ni Daniel worth P50 milyon… KARLA, BAD TRIP NA ISINAMA ANG FAMILY PICTURE SA FOR SALE NA BAHAY, ATRAS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 29, 2024
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary| June 29, 2024



Showbiz News
Photo: Karla Estrada / IG

Ayon kay Karla Estrada, hindi na niya ipinagbibili ang bahay na regalo ng anak na si Daniel Padilla sa kanilang pamilya. 


Matatandaang inanunsiyo na niya noon na ang two-storey family home nila sa Quezon City ay ibinebenta sa halagang P50 million.


Sa Facebook (FB) page ni Estrada, sinabi niyang she is no longer selling the property. 

Aniya pa, tigilan na raw ang pagpo-post ng mga netizens ng kanilang bahay kung saan kasama pa ang kanilang family picture. 


Nai-post din ito ng isang real estate agent sa FB account nito, na inilalarawan bilang “elegant owner’s built house.”


Well, nagbago na raw ang isip ni Karla, kaya ang house ay mananatili sa kanilang pamilya. 


Sey ng aktres, “Pasensya na at tatapusin na natin ang tungkol sa bahay ko at tigilan na ang pag-post ng bahay ko kasama ang mga anak ko, pati na rin ang 80 years old na nanay ko. Bakit? Para saan at kasama ang family picture namin?


“Nakakatuwa naman ang Preview.ph at may panahon pa na i-post ang bahay ko na for sale since 3 years ago. Hindi lang bahay ko ang may picture pati kami ng mga anak ko, ha? Tanong ko lang, ano po ang koneksiyon ng picture naming mag-iina sa bahay na for sale, may pangalan ko naman na buo pa nakasulat na may-ari ng bahay,” dagdag pa ng ina ni DJ (Daniel). 


Wala rin daw katotohanan na kaya niya ibinebenta noon ang house ay dahil may kumakalat na isyu na kinakapos umano sila financially.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page