Unang panalo ng Foxies vs. Titans sa PVL On Tour
- BULGAR
- 2 days ago
- 1 min read
ni VA @Sports | July 13, 2025
Photo: Preier Volleyball League
Bumanat ng huling hampas si Trisha Tubu para ibigay sa Farm Fresh Foxies ang unang panalo kontra Choco Mucho Flying Titans sa 4 sets sa 2025 PVL On Tour sa Ilagan, Isabela kagabi.
Isang monster block ang pinatikim ni Tubu sa matchpoint ng ika-4 na set at kunin ang 25-23, 19-25, 25-23, 26-24 at unang pumagpag ng kalamyaan at bumura ng sandamakmak na errors.
Nalampasan ng Farm Fresh Foxies ang 39 errors at sumandal sa lakas ng 22 puntos ni Tubu. Bumalikwas sa unang momentum na hawak ng Titans para isulong sa 13-9 lead at nagpatuloy sa pagkapit sa krusyal na laro at may sagot sa bawat rally ng Choco Mucho.
Nabuhayan lamang si Des Cheng sa huling bahagi ng laro para palakasin pa ang Flying Titans nang umiskor ng apat na straight points bago nakaungos ang block ni Deanna Wong sa 23-22.
Nagawa pa ni Rizza Cruz na ipatas ang laro, bago naiangat ni Caitlin Viray ang Foxies sa match point. Pero pumalag pa si Choco Mucho rookie Jen Villegas at puwersahang palawigin sa isa pang set ang game. Ang Foxies ngayon ay may kartadang 1-1 sa Pool A, habang ang Flying Titans ay lumagpak sa 1-3 para sa fifth place.
Magbabalik ang Farm Fresh sa aksiyon sa ngayong Linggo, laban sa Petro Gazz Angels para sa back-to-back schedule sa Ilagan City leg.
Comments