top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Table tennis, naka-pilak sa Asian Para Games

Writer: BULGAR
BULGAR
57 minutes ago
1 min read

by MC / Elyssa Nichole @Sports News | October 23, 2026



Ika-2 ginto sa Asian Para Games, sinisid ni Alergabes

Photo: Magiting na lumaban sina Lhey Manginsay at Wilfred Redulla sa table tennis sa 5th Asian Para Games pero mas malakas ang koponan ng Tsino para magkasya sila sa silver medal kahapon. (PSC-PPCmedia)



Nagpagaan sa dalamhati ng nawalang tansong medalya sa mananakbong may kapansanan sa paningin na si Cyril Cloyd Ongcoy ang nakuhang silver medal nina Lhey Manginsay at Wilfred Redulla sa table tennis sa 5th Asian Para Games kahapon.  


Yumuko ang pares nina Manginsay-Redulla para sa  ginto laban sa malakas na Tsino na sina Paralympic champion Zhao Shuai at Asian Para Games silver medalist Xiong Guiyan, 7-11, 11-9, 4-11, 6-11 para sa pilak sa mixed doubles Class XD17 sa Sky Hall Toyota. Ang tagumpay na ito ay kasunod ng dalawang ginto, dalawang pilak at isang tanso, na naglagay sa kanila sa ika-16 na puwesto habang isinusulat ito. 


Napunta si Ongcoy sa ikaapat na pwesto sa men's 1,500-meter T12/T13 kasunod ng unang ikatlong pwesto na may oras na 4 minuto at 23.19 segundo noong Miyerkules ng gabi.


Unang nadiskuwalipika si Fakhriddin Khamraev ng Uzbekistan pero naibalik sa kanya ang ginto sa oras na 4:07.47. Sina Nabeel Maqableh ng Jordan at Sharath Makanahalli ng India, na unang ginto at pilak pero bumagsak sa pilak at tanso  4:07.97 at 4:11.01. 


Sa kabila ng masakit na pagbabago, nanatiling proud ang 23-taong-gulang na si Ongcoy sa kanyang debut sa Asian Para Games. "Proud pa rin ako dahil unang beses kong maglaro sa Asian Para Games dahil mga kalaban ko, beterano na," aniya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page