76ers ni LBJ at OKC ni SGA sumiklab sa opener

ni Anthony Servinio @Sports | October 22, 2026

Photo: Nag-chest bump sa tuwa sina Jaylen Brown at Tyrese Maxey nang magwagi ang Philadelphia 76ers laban sa defending champion New York Knicks sa unang salvo ng NBA regular game kahapon. (nbapix)
Lumikha agad ng ingay sina LeBron James at Philadelphia 76ers at tinalo nila ang World Champion New York Knicks, 106-100, sa unang araw ng NBA 2026-27 sa Madison Square Garden kahapon. Pumulot din ng panalo ang Oklahoma City Thunder sa San Antonio Spurs, 116-104, at Detroit Pistons sa Boston Celtics, 121-113.
Bumira ng 3-points si Karl-Anthony Towns upang lumapit ang Knicks, 98-100. Subalit pinasahan ni Joel Embiid si BJ Edgecombe para sa dunk at sinundan ng agaw at salpak ni Tyrese Maxey at 1:52 pa sa orasan, 104-98.
Huling hirit ng NY ang shoot ni Jalen Brunson at tinuldukan ni LBJ ang laban sa dalawang free throw para magtapos na may 14 puntos. Nanguna sa Philly sina Maxey na may 28 at Jaylen Brown na may 19.
Bago ang laro, ginawaran ang Knicks ng mga singsing bilang tanda ng kanilang kampeonato noong Hunyo. Tinalo nila ang Spurs, 4-1, para wakasan ang 53 taong paghihintay para sa pangatlong titulo ng prangkisa.
Nakabawi ang OKC sa Spurs, ang bumigo sa kanila sa huling Western Conference Finals. Nagtala ng 32 si MVP Shai Gilgeous-Alexander para sa Thunder habang 18 si kabayan Dylan Harper para sa SA.
Nagising ang Pistons sa huling quarter sa maagang tapatan ng 2 may pinakamataas na kartada sa East noong nakaraang torneo.





Comments