top of page
WINNER - BEA AT VINCENT, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA, FAKE NEWS_IG _jomar aviary TikTok

Unang NBA title ng Knicks si MVP Brunson ang bida

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 15, 2026




MATAPOS ang 53 taon na walang kampeonato sa NBA, sa wakas ay nagawa na rin ng New York Knicks na masungkit ang Larry O'Brien trophy sa bisa ng husay ni Jalen Brunson sa Game 5 laban sa San Antonio Spurs.                               (Darren Abate/AP)

Photo: Matapos ang 53 taon na walang kampeonato sa NBA, sa wakas ay nagawa na rin ng New York Knicks na masungkit ang Larry O'Brien trophy sa bisa ng husay ni Jalen Brunson sa Game 5 laban sa San Antonio Spurs. (Darren Abate/AP) 



Kinoronahan ang New York Knicks bilang bagong NBA World Champion matapos ang dikdikang 94-90 panalo sa San Antonio Spurs kahapon sa Frost Bank Center. Nagwakas ang seryeng best-of-seven, 4-1, at ang 53 taong paghihintay ng prangkisa at kanilang mga tagahanga.


Tulad ng ilang laro sa serye, kinailangang bumangon ang Knicks at walang pagkakaiba sa Game 5. Hawak ng Spurs ang 70-55 lamang sa huling 2 minuto ng pangatlong quarter subalit nagising bigla ang bisitang NY.


Mag-isang bumuhos si Jalen Brunson ng 10 walang sagot na puntos upang itabla ang laban, 83-83. Tuluyang naagaw ng NY ang bentahe sa free throw ni Brunson, 86-85, at 3:40 sa orasan.


Pumalag ang Spurs at nag-shoot si kabayan Dylan Harper para sa huling tabla, 88-88. Hindi na sila pumuntos sa nalalabing isang minuto at sumaksak si Brunson para lumamang muli at nagtala ng tig-isang free throw sina Mikal Bridges at OG Anunoby para maselyuhan ang pangatlong tropeo ng koponan kasama ang 1970 at 1973.


Walang duda sa pagpili kay Brunson bilang Finals MVP sa 15 ng kanyang 45 sa huling quarter. Sumunod sina Bridges na may 14 at Josh Hart na may 13.


Naging unang Pinoy NBA kampeon si Gilas Pilipinas Jordan Clarkson na kuya ng Knicks sa edad 34. Nagbunga ang kanyang desisyon na pumirma sa Knicks noong Hulyo upang hanapin ang singsing na hindi niya natamasa sa LA Lakers, Cleveland Cavaliers at Utah Jazz mula 2014 hanggang 2025.


Nanguna sa Spurs si Harper na may 25 habang 19 si Victor Wembanyama. Nakabawi ang Knicks sa Spurs na tumalo sa kanila noong 1999 Finals, 4-1.


Pumasok din ang NY sa kasaysayan bilang unang dobleng kampeon sa isang taon. Noong Disyembre ay wagi rin sila sa NBA Cup laban sa parehong Spurs sa winner-take-all finals sa Las Ve


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page