Jovit Baldivino, first grand winner ng “PGT”, pumanaw na
ni Lolet Abania | December 9, 2022

Sumakabilang-buhay na ang kauna-unahang grand winner ng “Pilipinas Got Talent”, ang singer na si Jovit Baldivino sa edad na 29.
Ito ang kinumpirma ng kanyang misis na si Camille Ann Miguel.
Batay sa isang radio report, unang na-admit at na-confine si Jovit sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas noong Linggo ng gabi, matapos na siya ay mag-collapse sa isang party at na-comatose.
Biyernes ng umaga, idineklara si Jovit na pumanaw na.
Sa isang Facebook post, nai-share ni Camille ang larawan nila na magkasama ni Jovit at may caption na “asawa ko” na sinundan ng mga crying emoji.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga tagahanga ng singer sa pamilya nito.
Isang estudyante mula sa Batangas habang si Jovit ay isa ring siomai vendor.
Noong 2010, pinabilib nang husto ni Jovit ang audience at judge sa kanyang galing at talento sa pagkanta sa “Pilipinas Got Talent”.
Kamakailan, napanood din si Jovit sa isang episode ng “Family Feud”.
Naging tanyag si Jovit sa kanyang mga rendition ng “Ika’y Mahal Pa Rin,” “Pusong Bato,” “Mula sa Puso,” “Faithfully,” at “Too Much Love Will Kill You.”





Comments