Unahan sa Valentine wins ang 4 na koponan sa PVL
- BULGAR
- Feb 14, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | February 14, 2023

Mga laro Ngayon: (Pebrero 14)
(Smart Araneta Coliseum)
4:00 n.h. – Cignal HD Spikers vs Akari Chargers
6:30 n.g. – Choco Mucho Flying Titans vs Creamline Cool Smashers
Tablahan ng mag-utol na unbeaten Creamline Cool Smashers at magbabawing Choco Mucho Flying Titans ang pinakatampok na laro sa Araw ng mga Puso, habang mag-aagawan din sa unang panalo ang Cignal HD Spikers at Akari Chargers sa pambungad na laro sa umaatikabong salpukan sa Araw ng Pag-ibig sa 2023 season ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.
Inaasahang dadagundong ang hiyawan at sigawan sa loob ng ‘The Big Dome’ sa pagtatapat ng parehong crowd favorite team, kung saan target ng Cool Smashers na mapasakamay ang solong liderato, habang iiwasan ng Flying Titans na makuha ang ikalawang sunod na pagkabigo sa main event na sultada sa 6:30 p.m.
Pipilitin ng Reinforced Conference runner-up Cignal HD na makita ang malinaw na sagap ng koneksiyon sa mga manlalarong lupaypay mula sa magkasunod na straight set pagkabigo laban sa may parehong katayuan na may kulelat na panalong set na Akari sa unang laro ng 4 p.m.
Wala man ang pambatong kapitana na si Alyssa Valdez at paniguradong punong-puno pa rin ng ilalatag na manlalaro ang kayang ipakita ng back-to-back conference champions na Creamline mula sa pangunguna ni top-setter Julia Morado-De Guzman na muling magpapamalas ng mahusay na pamamahagi ng plays kina back-to-back conference MVP Tots Carlos, 2019 Open MVP power hitter Jema Galanza, Invitational Finals MVP Celine Domingo, volleyball beauty queen Michelle Gumabao at middle blocker Jeanette Panaga.





Comments