Unahan sa 2-YO Maiden Race sina Swakto Power at Trusson
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 4, 2022
Magkakaliskisan sina Swakto Power Duo at Trusson pagharap nila sa 2-Year-Old Maiden Race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar- Tanauan City sa batangas ngayong araw.
Bukod kina Swakto Power Duo at Trusson, ang ibang kalahok sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Jeng Wears Prada, Sartirial Elegance, Mucho Caliente, Justifiable at Rainbowbright.
Rerendahan ni John Paul Guce si Swakto Power Duo habang si John Alvin Guce ang gagabay kay Trusson sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Nakalaan ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner, tiyak na naghanda ng todo ang mga kalahok para masikwat ang panalo.
Samantala, tampok na karera ngayong araw ng Linggo ang bakbakan ng 10 tigasing kabayo sa 2022 PHILRACOM "2nd Leg Juvenile Stakes Race" na ilalarga sa parehong lugar.
Magtatagisan ng bilis sina Jaguar, Istulen Ola, Winner Parade, Earli Boating, Gintong Hari, Grand Monarch, La Trouppei, Light Bearer, Orange Bell at Secretary.
Paglalabanan ang garantisadong premyo na P1.8M sa distansyang 1,400 meter race, ibubulsa ng mananalo ang P1.080M, may P360,000 ang susungkitin ng second placer habang tig-P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Yes Kitty (1), Moves Like Jagger (3)
Race 2 - Swakto Power Duo (4), Trusson 97)
Race 3 - Jaguar (1), Istulen Ola/Winner Parade (3/3A)
Race 4 - Lucky Savings (5), Don Lucas (4)
Race 5 - Noh Sen Young Yana (3), Pendant (2)
Race 6 - Chase The Gold (4), Mexico (5)
Race 7 - Our Secret (5), Crown In My Head (4), Ring A Bell (2)
Race 8 - Pilya (6), Big Girl (3)
Race 9 - Crazy Collin (3), Raxa Bago (7), Step Bell (1)





Comments