Una si Ryzza, ngayon si Ogie ang kaaway… KIM, ‘TAKLESA QUEEN’ NA RIN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 5, 2026

Photo: FB Kim Chiu
Marami ang nagtataka kung bakit biglang naging nega ang imahe ni Kim Chiu ngayon. Bakit niya nagawang pagtawanan at hamakin ang hitsura ni Ryzza Mae Dizon na wala namang atraso sa kanya? Tuloy, dismayado ang marami sa aktres ngayon.
Tapos, nasundan pa ng isyu nila ni Ryzza Mae ang hindi magandang encounter nila ng talent manager na si Ogie Diaz nang magkita sila sa studio ng It’s Showtime (IS). Umiral na naman ang pagiging taklesa ni Kim, sabay sabi kay Ogie na mabuti at pinapasok ito sa studio.
Lumaki na rin ba ang ulo ni Kim at feeling niya ay ka-level na siya nina Kathryn Bernardo at Anne Curtis?
At bakit sasabihin niyang ginagamit lang ni Ogie Diaz ang paninira sa kanya upang kumita lang ang vlog nito?
Dati nang mayaman si Ogie at marami nang naipundar na kabuhayan. Hindi na niya kailangang gawing content si Kim para kumita ang kanyang vlog.
Nadidiktahan ba ang aktres ng kanyang mga fans upang mag-post ng mga akusasyon laban kay Ogie Diaz?
Well, kung dati ay marami ang naaawa at nakisimpatya kay Kim nang maghiwalay sila ni Xian Lim at sa ginawang panloloko sa kanya ng kanyang Ate Lakam sa kanyang negosyo, ngayon ay nagbago na ang pagkilala ng iba sa tunay na ugali ng Chinita Princess.
Nagkaroon na raw ito ng ere at hindi na nag-iisip kung nakasasakit ang mga binibitawang joke sa IS.
Kaya dapat daw, ‘Taklesa Queen’ ang itawag ngayon kay Kim Chiu.
Pangarap ni Benjie, maging NBA player ang anak… KOBE, AYAW NANG MAG-BASKETBALL, TODO-ENJOY LANG SA BUHAY
Labis ang panghihinayang ni Benjie Paras sa desisyon ng anak na si Kobe na huwag nang ituloy ang kanyang career sa basketball.
Ayaw na niyang ituloy ang paglalaro ng professional basketball sa kabila ng maganda niyang performance sa kanyang mga unang laro.
Pangarap pa naman ng kanyang ama na makapasok siya sa malalaking basketball team sa NBA, pero no choice si Benjie kundi tanggapin ang desisyon ni Kobe.
Gustuhin man ni Benjie na si Kobe ang magpatuloy ng kanyang legacy bilang sikat na basketbolista, hindi niya mapipilit ang anak. Nasa tamang edad na si Kobe upang magdesisyon para sa sarili.
Ang ipinagtataka lang ng marami ay ano ang dahilan ng pag-quit ni Kobe sa paglalaro ng basketball. Nahirapan ba siya sa training na dapat niyang pagdaanan? Ano na ang kahihinatnan ng kanyang career? Mag-aartista na rin ba siya tulad ng kanyang kapatid na si Andre Paras?
Well, bilang ama, hindi maiaalis na mag-alala rin si Benjie para sa kanyang anak. Pangarap niyang magkaroon ng stable at permanenteng trabaho si Kobe upang maitaguyod ang sarili niyang pangangailangan.
But it seems ine-enjoy muna ni Kobe ang buhay niyang malaya, na walang stress at pressure. Nagagawa niya ang lahat ng bagay na gusto niya.
Ibang-iba noon…
JAMES, ‘DI NA SUPLADO, GAME NA SA PA-SELFIE
LABIS na nagtataka ang marami sa biglang pagbuti at pagbabago ng ugali ni James Reid.
Noon kasing dumalo siya sa 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music ay napaka-friendly niya at accommodating sa lahat.
Hindi na siya ang dating James Reid na suplado at halos hindi malapitan.
Wala siyang ka-PR-PR sa entertainment press noon kaya ayaw din siyang kausapin ng media.
Pero ngayon, ibang James na ang nakikita ng mga reporters. Tsumitsika na siya at game nang magpa-picture maging sa mga fans.
Kaya wish ng lahat ay hindi na magbago ang magandang PR ni James Reid sa media. Malaki ang maitutulong ng press upang umangat at bumalik ang init ng career niya.
NOONG Nobyembre 2025, naghiwalay si Lexi Gonzales at ang boyfriend niyang si Gil Cuerva, pero ayaw niyang magsalita kung ano ang naging dahilan ng kanilang breakup. Mas ginusto ni Lexi na manahimik na lamang upang hindi pagpistahan ang kanilang paghihiwalay.
Na-involve sa isang sex video scandal si Gil, pero bilang respeto sa kanyang ex-boyfriend ay ayaw mag-comment ni Lexi tungkol dito. Ayaw niya itong i-judge dahil may maganda naman silang pinagsamahan.
Kaya nakikiusap ang aktres sa mga bashers na huwag namang i-bash at husgahan agad ang pagkatao ng aktor. Nasasaktan siya kapag nakakabasa ng mga paninira kay Gil. Mabuting tao raw ito at kailangan ng pang-unawa at suporta, hindi panghuhusga.





Comments