top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Una raw si Kris… BIMBY: ANGEL, MOST BEAUTIFUL WOMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 21, 2026



BULGARY - BIMBY ANGEL, MOST BEAUTIFUL WOMAN-IG _rbchanco & FB Angel Locsin

Photo: IG @rbchanco & FB Angel Locsin



Binati ni Angel Locsin ang anak ni Kris Aquino na si Bimby sa kaarawan nito. 

Aniya sa kanyang Facebook (FB) account, “Happy Birthday, Bimb!”


Nakapanayam naman ni Mama Loi sa kanyang YouTube (YT) channel ang birthday celebrator. 


Tanong ni Mama Loi, “Meron ka bang showbiz crush o ‘yung naa-appreciate mo ‘yung beauty?”


Sagot ni Bimb, “My Tita Angel Locsin, the most beautiful woman in the whole Philippines… next to my mom.”


“Iba talaga si Tita Angel. You will never find another face like Angel Locsin.”


“At saka ang ganda na ng face, napakaganda pa ng puso,” wika naman ni Mama Loi.

Komento ng mga netizens…


“Same kami ni Bimby, ikaw din talaga ang most idolized actress in the whole universe, Angel Locsin.”


“‘Yan ang tunay na maganda. Walang halong chemical.”

“It’s true, purung-puro, walang salamat, doc.”


“Wow, binatang-binata na si Bimby. Happy birthday, boy.”


“True! Iba kasi ang beauty ni Ms. Angel Locsin. Sa personal, sobrang ganda lalo na ‘yung eyes, plus factor pa ang pagiging philanthropist.”

“Idol ng bayan, Angel Locsin.”


Patunay ang mga komentong ito na nananatili ang paghanga sa aktres. Kahit matagal na siyang hindi nagpapakita sa showbiz, hindi siya nawawala sa atensiyon ng publiko. 


Marami mang nakaka-miss kay Angel Locsin, patuloy namang naghihintay ang kanyang mga fans sa kanyang pagbabalik. Umaasa ang ilan na balang-araw ay muling masisilayan ang aktres at maririnig ang kanyang, “Welcome to the outside world.”





ANG pagiging totoo niya sa sarili ang pinaniniwalaan ni Piolo Pascual na dahilan kung bakit maraming nagmamahal sa kanya sa showbiz at tumagal siya sa industriya nang ilang dekada.


Sa kanyang panayam sa talk show ni Matteo Guidicelli, sinabi niyang “Para sa akin, ang pagiging tunay ang susi — ang pagiging totoo, prangka, at tapat sa iyong sarili.”


Dagdag pa niya, mas mapagmasid na ngayon ang mga manonood kaya mahalaga ang katapatan para mapanatili ang tiwala ng publiko.


Aniya, “Sa tingin ko, ang pinakamahalagang bagay para makaugnay ang mga tao sa iyo ay ang maging malapit sa kanila. Kung may itinatago ka o naglalagay ka ng isang mukha, panandalian lang ‘to.”


Ibinahagi rin niya na sa simula pa lang ng kanyang karera ay nagpasya na siyang huwag ihiwalay ang kanyang tunay na sarili bilang isang pampublikong personalidad.


“At least, wala kang ibang character. I’m myself on and off camera,” deklara ni Papa P.

Sa mahigit tatlong dekada sa industriya, nananatiling matibay ang pangalan ni Piolo Pascual na nakaugat sa pagiging totoo at tapat sa kung sino talaga siya. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page