top of page

Umupo sa gutter sa EDSA… BELA, NAPAGKAMALANG PULUBI, BINATUHAN NG PISO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 4 min read

Updated: 3 days ago

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 21, 2026



TALKIES - BELA, NAPAGKAMALANG PULUBI, BINATUHAN NG PISO_IG _bela

Photo: IG _bela



Ikinuwento ng aktres na si Bela Padilla noong napagkamalan siyang pulubi sa EDSA habang naghihintay sa shoot para sa pelikulang Mañanita.


Kuwento ni Bela sa isang panayam, “Naalala ko may isa kaming shooting ng Mañanita.


“6 AM na, paakyat na ‘yung araw, male-late na ‘ko sa susunod sa Sinong May Sala.

“7 AM ‘yung call time, tapos nagse-setup pa lang sila, tapos puro prosthetics ‘yung mukha ko kasi nasunog. Sabi ko, ‘Mga gaano pa kaya katagal mag-set-up?’ Sabi nila, ‘Mga 30 minutes.’ Sabi ko, ‘Okay lang, maglalakad-lakad lang muna ako.’ Nasa EDSA kami, ‘yung Victory Liner na bus station. Wala naman akong malalakaran kasi EDSA na ‘yun.


“So, umupo lang ako sa gutter ng EDSA, nakasuot ng prosthetics, tapos may dumaan, nagbato ng piso sa akin. Awang-awa ako sa sarili ko. Sabi ko, ‘Ano ba ang nangyayari sa akin today? Binatuhan ako ng piso. Sabi ko, ‘Hoy, ‘di ako pulubi, may cellphone ako!’

“Parang ‘yung linggo na ‘yun, ramdam na ramdam ko ‘yung pagod na ‘yun, tapos iniisip ko lang na ‘pag nakakuha ako ng mahabang day off, aalis ako, aalis ako, aalis ako as in malayo.”


In fairness, napakagaling ng naglagay ng prosthetics kay Bela Padilla para hindi siya makilala at nilimusan pa ng piso. Bongga!



“IT was never too late,” ang pahayag ng aktor na si Epy Quizon sa kanyang Instagram (IG) post nang magbahagi siya ng larawan kung saan makikita na siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa De La Salle University (DLSU).


Tinupad ni Epy ang pangako niya sa yumaong ama na si Dolphy na maka-graduate sa college.


Sey ni Epy, “Dear Self, 30 years ago, in 1996, you walked the halls of De La Salle University just a thesis away from graduation. Fear and circumstance pulled you away, and survival became more important than ceremony. But you made a promise.


“Through work, loss, responsibility, and time, that promise stayed quietly in your heart. Dad didn’t get to see this day. Mama, turning 80 soon, will.


“Today, you return not as the young man who left, but as someone steadier, stronger, and faithful to his word.


“This diploma is more than paper. It is a promise kept. A prayer answered. A legacy for your children. It was never too late.


“Congratulations. Animo! You finished what you started and never did you fail.

“With gratitude and pride, Jeffrey ‘Epy’ Smith Quizon.”


Maraming netizens ang pumuso sa post ng aktor at isa na nga rito ang dating karelasyon ng ama ni Epy na si Zsa Zsa Padilla.


Samantala, sa comment section ng post ni Epy ay nagpahayag ng pagbati ang kapatid niyang actor-director na si Eric Quizon.


Sey ni Eric, “Congratulations to my baby brother, @epyquizon for pursuing Dad’s dream but more importantly in persevering his dream and never giving up despite everything he has gone through.


“Kudos to you my brother! I am proud of you!” 

Anyway, congratulations, Epy! Sure si yours truly na happy si Mang Dolphy sa heaven.



“YOU cannot put a good man down,” ang pahayag ng aktor na si CJ Ramos sa kanyang social media post.


Ipinagtanggol ni CJ ang aktor-direktor ng Batang Quiapo (BQ) na si Coco Martin laban sa akusasyon ng anak ni Rod Navarro, Sr. na hindi raw siya itinrato nang tama ni Coco sa set ng action serye.


Sey ni CJ, “Talo ng masipag na mabait ang magaling. ‘Pag dumating na sa iyo ang oportunidad, ‘wag mo nang pakawalan ‘yan dahil minsan lang dadating ‘yan sa buhay natin.

“Isa lang po ‘yan sa mga salitang hindi ko makakalimutan na galing kay Direk Coco.


“Sa mahigit 4 years na nakasama ko si Direk CM, eto lang ang ayaw na ayaw n’ya pagdating sa trabaho, ayaw n’ya ng tatamad-tamad at may bisyo. Kaya sobrang dami namin natutunan sa kanya lalong-lalo na pagdating sa work ethics. The best ‘yan si Direk CM, Coco Martin.


“May kasabihan nga po tayo, you cannot put a good man down.”


Samantala, taos-puso ang pasasalamat ni Primetime King Coco Martin sa patuloy na paghahari ng FPJ’s Batang Quiapo sa puso ng mga Pilipino kasabay ng pagdiriwang nito ng mas maaksiyon na ikatlong anibersaryo.



Host ng SOCO, todo-hinayang…

GUS: NASIRA ANG BUHAY KO NANG MAWALA ANG ABS-CBN



NAG-GUEST ang veteran broadcast journalist na si Gus Abelgas sa vlog ng Kapamilya broadcast journalist na si Bernadette Sembrano.


Tanong ni Bernadette, “Gaano kasakit para sa inyo ‘yung nangyari sa ABS-CBN bilang isa sa mga haligi po?”


Kuwento ni Gus, “Ayaw ko sanang aminin pero nasira ‘yung buhay ko halos dahil sa pagkawala ng ABS-CBN dahil ang ABS-CBN, ito ang naging buhay ko halos sa buong career ko. At dito ako nagkaroon ng maayos na kabuhayan at dito rin ako nagkaroon ng partner. Napakahalaga talaga. Dito nagsimula ang lahat. Kaya nakakapanghinayang.”


Dagdag na tanong ni Bernadette, “Ano ang ginawa n’yo biglang-bigla ‘yung time na today at mula nu’ng panahon na ‘yun, ano’ng pinagkakaabalahan n’yo?


“Talagang naghanap ng trabaho at halos ‘di ko rin maano dahil kasabay nito ‘yung putok ng COVID kaya kumbaga, takot din ako na makalabas. ‘Di ko matanggap. Pero s’yempre siguro, talagang kapalaran na natin. Nangyari na ‘yan, let’s admit it. Talagang ganyan.”


Mapapanood nang muli sa ABS-CBN ang crime docu-drama na Scene of the Crime Operatives o SOCO ni Gus Abelgas. Ang Kapamilya Channel ay napapanood din sa ALLTV 2.


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page