Umiskor, huli rin sa akto... Lola na tulak, kulong

ni Mervin Reyes @News | October 23, 2026

Photo: MPD / Police Big Brother
Arestado ang 76-anyos na lola at isang 33-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng mahigit P105,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, hatinggabi nitong Miyerkules, Oktubre 21.
Ayon sa pulisya, isang linggong minanmanan ng mga awtoridad ang senior citizen matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant.
“Iba-iba ang strategy niya. May mga dating parukyano, through text tapos mag-meetup,” ani Maj. Armando Linget, deputy commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13.
Naaktuhan din sa operasyon ang 33-anyos na lalaki na bumibili umano ng droga sa senior citizen.
Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P105,672.
Batay sa imbestigasyon, naaresto na ang senior citizen sa Bataan noong 2017 matapos umanong mahulihan ng nasa 50 gramo ng ilegal na droga, ngunit nakalaya.





Comments