Umiikot ang mundo sa madir… BIMBY, AYAW MAGKADYOWA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 6, 2023

Nagbigay ng update si Bimby Aquino-Yap tungkol sa estado ng kalusugan ngayon ng kanyang inang si Kris Aquino.
Nakausap mismo nang personal ni Ogie Diaz si Bimby nang magtungo siya sa California, USA a few days ago at ipinakita niya ito sa kanyang latest vlog with Mama Loi and Tita Jegs.
Ikinuwento muna ni Ogie na dapat ay si Kris mismo ang imi-meet niya, pero napagod daw ito sa araw na nakatakda silang magkita dahil sa napakaraming test na ginawa rito.
"That day ay ang daming test ni Kris, medyo napagod siya. So, kailangan niyang magpahinga," kuwento ni Ogie.
"Eh, hindi naman para palalain pa natin o dagdagan pa natin ang pagod ni Kris, 'di ba?” dagdag pa niya.
Pero ang maganda nga raw kay Kris, ipina-meet nito sa kanya ang personal assistant na si Alvin at kasama pa si Bimby.
"Ang nakakatuwa naman ay talagang nag-super effort si Alvin, 'yung secretary ni Kris Aquino, na kami ay kitain. At that time, na nagkita kami ay kasama si Bimby. Si Bimby ang ipinadala ni Kris," tsika ni Ogie.
"Sabi ni Bimby sa akin, very sorry ang kanyang Mama, kasi alam niya na kami ay magkikita, pero sana, maintindihan ko raw na ang Mama niya ay sobrang pagod sa mga tests nga. Kaya kahit konti, itong si Bimby ay nakausap naman natin," patuloy niya.
Sa kanilang tsikahan ay kinumusta niya si Kris at ayon sa binata, "Okay naman. You know, stable, 'yan, that’s a good word for it. Stable lang. And of course, still beautiful. Forever beautiful 'yan."
From 80 lbs. ay nadagdagan na raw ang timbang ng kanyang Mama.
"She is now at 103 lbs., yeah. Stable. For me, kahit 80 lbs. si Mama, even if she was 80 lbs., she’ll still be the most beautiful Mama ever, para sa akin," ani Bimby.
Bilang anak ay hands-on din sa pag-aalaga si Bimby kay Kris. Aniya, "It’s my duty, eh. Duty ko as my son to take care of her."
Dagdag pa ng binata, "We have 2 nurses, pero kasi I sleep with her, eh. Ako 'yung night duty."
When asked kung ano ang laging bilin ni Kris sa kanya, sagot ni Bimby, "Be good, and take care of yourself, 'yun. And take care of Mama, 'Take care of me when you’re older, take care of your brother.' 'Yun talaga ang duty ko, my kuya.”
Ang Kuya Joshua niya ang tinutukoy ni Bimby.
Ayon pa sa bunsong anak ni Kris, ang kanyang ina ang priority niya ngayon kaya nga nagdesisyon siyang samahan ito sa US at manatili sa tabi nito. Sey niya, kung nasa'n daw ang kanyang Mama ay nandu'n din siya.
"I told nga Mama, my wife will be the love of my world, si Mama, love of my universe naman," aniya.
Pero sa ngayon ay wala raw siyang GF at choice niya ito dahil ang mas priority niya ngayon ay ang kanyang ina.
Nagpasalamat din si Bimby sa lahat ng mga fans, supporters at mga taong nagdarasal para sa pagbuti ng kalusugan ng ina.
As a son ay ipinangako rin niya na gagawin niya ang lahat ng makakaya para alagaan ang Mama Kris niya at maging maayos ang kalusugan nito.





Comments