top of page
TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon.jpg

Umatras sa kasal kay Edu… CHERRY PIE, IPINAGSIGAWANG GAME NA SA MAGPO-PROPOSE SA KANYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 22, 2026



WINNER - CHERRY PIE, IPINAGSIGAWANG GAME NA SA MAGPO-PROPOSE SA KANYA-IG _yescppicache

Photo: IG _yescppicache



Ready na si Cherry Pie Picache for a new relationship. ‘Yan ang deklarasyon ng aktres sa kanyang Instagram (IG) post kahapon.


Halos tatlong taon na ring single si Cherry Pie. It’s common knowledge na ang kanyang huling naging boyfriend ay si Edu Manzano at naghiwalay sila noong December, 2023.

Sa latest interview sa aktres, inamin niya na niyaya siya ni Edu na magpakasal, pero tumanggi raw siya.


Inamin ni Cherry Pie na nanghinayang siya sa pagtanggi na magpakasal kay Edu. Pero ngayon, okey daw siya kung may magpo-propose.


Isinagawa ni Cherry Pie ang kanyang deklarasyon sa IG sa pamamagitan ng pag-post ng latest close-up photos niya.


Todo-flex si Cherry Pie sa kanyang new hairstyle and looking young siya sa kanyang latest photos na may pa-bangs.


“I think I’m quite ready for another adventure,” pag-aanunsiyo ni Cherry Pie sa caption.

Nag-comment ang ilang celebrities sa announcement ni Cherry Pie.


Sey ni Zsa Zsa Padilla, “Cutie pie! Hahaha!”


Patiling comment ni Agot Isidro, “Aaaaayyy, oh!”

Biro naman ni Direk Andoy Ranay kay Pie, “Dora? Mommy ni Dora?”

Wah!





Ganern, Echo?

HEART, UMAMING MAY 2 EX-BFS NA ‘DI KAIBIGAN



IPINANGALANDAKAN ni Heart Evangelista na may dalawang ex-boyfriends na lang niya ang ‘aloof’ o malayo sa kanya hanggang ngayon.


Feeling ni Heart ay ayaw siyang gawing kaibigan ng kanyang 2 ex-BFs, unlike her ex din na sina John Prats at Daniel Matsunaga na parehong kaibigan na niya ngayon.


At hindi lang si John ang kaibigan na ni Heart ngayon, kundi pati ang misis ni John na si Isabel Oli.


In fact, when she was asked kung sino ang mga close friends niya sa showbiz, pasok sa listahan niya sina Isabel at Angelica Panganiban. 


Habang si Daniel naman daw ay nakakausap niya, pero ang mas madalas daw niyang natatawagan ay ang ina nito. 


Naikuwento tuloy ni Heart noong dinala siya nito sa Brazil during their time. Ipinasyal daw siya sa isang lugar para mag-fishing. Laking-gulat daw niya na makitang may malaking buwaya sa pag-iisdaan nila ni Daniel na nanginginain ng mga isdang nabingwit na niya.


Going back sa 2 ex-BFs ni Heart na ‘aloof’ daw sa kanya, wala kaming ibang maisip na ex-BF niya na taga-showbiz kundi si Jericho Rosales.


Na-link at nanligaw din noon kay Heart si John Lloyd Cruz, pero parang hindi naging sila, unlike Jericho na talagang nasaksihan namin ang ka-sweet-an nila. 


Sobrang minahal talaga ni Echo si Heart that time. Kung feeling ni Heart na umiiwas si Echo sa kanya, bakit hindi niya i-try na maging kaibigan ang girlfriend ng aktor ngayon na si Janine Gutierrez?


Ang tanong, type kaya ni Janine na maging friend si Heart?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page