top of page
Search
  • BULGAR

Umatras sa kasal.. Dalaga, patay sa sakal ng BF

ni Lolet Abania | June 30, 2022



Sinakal hanggang sa mamatay ang isang 30-anyos na dalaga sa Davao City matapos na umatras ito sa kasal sa kanyang fiance.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Maliry Bitil Gumanan, 35-anyos, residente ng bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur.


Batay sa imbestigasyon ng Davao Police Office, ang biktima na si Joan Balabagan Lintang ay natagpuang patay sa loob ng rest room sa isang inn sa kahabaan ng C.M. Recto sa Barangay 35-D noong Hunyo 26.


Ayon sa mga awtoridad, nag-checked-in sa naturang inn ang dalawa bandang alas-12:00 ng tanghali. Gayunman, nagkaroon ang mga ito ng away matapos na ang biktima ay umurong na sa kanilang kasal.


Kasunod nito, sinakal ni Gumanan si Lintang hanggang sa mapatay niya ito, saka itinago ang katawan ng biktima sa loob ng rest room bago tumakas sa crime scene.


Dala ng kanyang konsiyensiya, ang suspek ay sumuko sa Magsaysay Municipal Police Station (MMPS).


Agad namang ipinaalam ng MMPS sa San Pedro Police Station sa Davao City ang insidente. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya si Gumanan at nahaharap sa kasong homicide.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page