top of page
Search
  • BULGAR

Umatras maging press secretary… DIREK PAUL, PRESIDENTIAL ADVISER NI P-BBM

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 18, 2022


Kaarawan kahapon ng mister ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano at tiyak na mas naging memorable ang 41st birthday ng direktor dahil kasabay ng kanyang celebration ang oath-taking niya bilang Presidential Adviser for Creative Communications ni Pangulong Bongbong Marcos.


Nanumpa kahapon si Direk Paul sa harap ng pangulo kasama ang kanyang anak na si Seve at misis na TV host-actress.


Magandang birthday gift ito kay Direk Paul dahil dagdag-pogi points sa kanyang credentials, but at the same time, mabigat din ang kanyang responsibility na haharapin.


Magsisilbing adviser ni P-BBM si Soriano para tumulong sa mga departamento at ahensiya sa pagpapabuti ng mga programa at inisyatibong may kinalaman sa information dissemination.


Nagpasalamat naman si Direk Paul para sa naturang posisyon.


For sure, kung masaya ang mga kapamilya at supporters ni Direk Paul sa bago niyang tungkulin, marami na namang bitter na bashers ang panay ang puna sa kanya ngayon.


Kung matatandaan, una nang inalok ng posisyon si Direk Paul bilang press secretary pero tinanggihan niya dahil mas marami raw deserving sa naturang posisyon kesa sa kanya.


Samantala, ayon kay P-Marcos, pumayag si Direk Paul na makakuha lamang ng P1 bawat taon bilang suweldo.


"One of the greatest assets of the Filipino is our creativity, and we must find many ways to highlight that to the rest of the world. And that is what Paul Soriano has already been doing in his career as a filmmaker. And now we have asked him to help us at one peso per year," sabi ni Marcos.


Naku, ha?! Parang tumaas naman ang kilay namin du'n sa pisong suweldo kada taon ni Direk Paul.


Eh, bakit hindi siya suwelduhan nang tama kung gagawin naman niya nang mabuti ang kanyang

tungkulin? At kung hindi niya kailangan ng pera, eh, di i-donate nila sa mga walang makain.


Aba, paano kung 'yung dapat isuweldo sa kanya bilang presidential adviser ay mapunta lang sa ilang 'crocs' sa gobyerno, di mas sayang naman, devah?!


 

JERICKA AT ERIKA, MGA PROSTI SA EDAD NA 16 AT 19



Malaki ang tiwala ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) founder na si Doc Michael Aragon sa dalawang bida ng unang pelikulang ipoprodyus ng KSMBPI, ang Socmed Ghosts na patapos na ang shooting o baka tapos na by this time.


Sixteen years old lang si Jericka Madrigal at 19 yrs. old naman si Erica Blake pero pursigido at desidido ang dalawang baguhang aktres na maabot ang kanilang pangarap na sumikat sa larangan ng pag-arte.



Kaya naman, 'di nagkait ng tulong sa kanila si Doc Michael Aragon at ipina-interview pa talaga sila sa mga press people nang mas makilala sila bilang mga bidang ghosts sa Socmed Ghosts.


Gaganap si Jericka bilang si Lyka, child prostitute sa KSMBPI's international film festival entry habang bilang si Cassandra, gaganap naman si Erica na older sister ni Lyka at child prostitute rin siya.


May acting experience na si Jericka dahil nakapag-double na siya bilang batang Bianca Umali sa isang HBO series, habang si Erica naman ay mas unang nasubukan ang modeling kaya ngayon pa lang nakaranas umarte at challenge raw ito sa kanya.


Ang pamilya ni Jericka ay nagtitinda sa palengke kaya gustong sumikat ng baguhang aktres para makaahon din sila sa kahirapan. Suportado naman daw ng kanyang parents ang kanyang pag-aartista.


Pareho nilang idol ang KathNiel love team at nangangarap silang one day, makilala rin bilang mga sikat na aktres sa industriya.


Magandang stepping stone sa kanila ang Socmed Ghosts lalo't ipapalabas ito internationally.


Sina Jojo Alcano at Karlo Montero ang mga directors ng Socmed Ghosts at supporting directors naman sina Pete Mariano at Jeremiah Palma.


Bukod kina Jericka Madrigal at Erica Blake, bida rin sa movie si Chase Romero at kasama nila ang iba pang talents ng Socmed House ng KSMBPI.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page