ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 12, 2022
Hindi pala natuloy ang inaasahang face-to-face sana kahapon sa Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69 nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo para sa arraignment ng rape case na isinampa ng dating modelo laban sa It's Showtime host.
Hiniling ng kampo ni Vhong sa pangunguna ng abogado nitong si Atty. Alma Mallonga na thru video conference na lang ang gawing pagdalo ng akusadong TV host kesa personal na um-appear sa korte.
Pinagbigyan naman ito ng Taguig RTC, maging ang pagtanggi ni Vhong na magbigay ng 'not guilty' plea sa rape case dahil may pending petition pa silang hinihintay mula sa Korte Suprema.
Balitang hiniling din ni Deniece na thru video conference na lang din ang gawing pagdalo pero hindi ito pinagbigyan ng korte.
Gayunpaman, no show ang dating modelo sa Taguig RTC kaya ang parehong abogado lang nina Vhong at Deniece na sina Atty. Alma Mallonga at Atty. Howard Calleja ang nagharap.
Sa isang panayam kay Atty. Mallonga, aniya, “For the reasons stated in our petition for review, which I will not discuss, we thought it more prudent to not allow Mr. Vhong Navarro to enter a plea.
"Under the rules, therefore, the court entered a plea of not guilty for him, 'yun ang nangyari.”
Sa ngayon, nasa NBI Detention Center pa rin pala si Vhong at hindi pa rin naililipat sa Taguig City Jail katulad ng unang napabalita.