Umapela sa madlang pipol… HEART, ALAM NA BAGO PA SINIPA SI CHIZ BILANG SENATE PRESIDENT
- BULGAR

- Sep 9
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 9, 2025

Photo: Chiz Escudero at Heart - IG
The day before ma-oust si Senator Chiz Escudero bilang Senate President, may reels video post si Heart Evangelista na may kasamang pakiusap na, “Please be kind.”
Malungkot ang tono ng video reels at malungkot din ang boses ni Heart. Sa mga comments, may nagpahayag ng suporta sa kanya.
Tanong ng mga netizens, alam kaya ni Heart na mapapalitang Senate President si Chiz?
May mga comments pa na mahal nila si Heart. May nagpayo rin na ituloy lang nito ang paggawa ng mabuti at makikita naman ‘yun ng tao.
May mga nagtanong naman kung bakit hindi na siya nag-a-update sa Instagram (IG) at ang last post ni Heart ay 3 days ago pa.
Depensa ng kanyang mga supporters, nagpapahinga lang ito sa social media gaya ni Sharon Cuneta.
May tanong pa na dahil hindi na si Chiz ang Senate President at balik na kay Sen. Tito Sotto, ibig daw bang sabihin, hindi na si Heart ang head ng Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI)?
Malamang si Helen Gamboa na misis ni Tito Sen ang mamumuno nito.
Ano raw ang mangyayari sa mga officers ng SSFI na nag-oath-taking kay Sen. Chiz na kinabibilangan nina Ciara Sotto na anak nina Tito Sen at Helen, at pati na ni Frankie Pangilinan na anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon? Mapapalitan daw ba ang mga officers ng SSFI?
Mister na si Cong. Arjo, idinawit sa flood control… MAINE: UNFAIR! TOTOONG MAY KASALANAN, MAKULONG!
SA X (dating Twitter) nag-post si Maine Mendoza ng depensa sa asawa niyang si Cong. Arjo Atayde, pero pati sa Instagram (IG) account nito, sumugod na rin ang mga netizens para i-bash si Maine at si Arjo.
Nag-tweet si Maine ng, “Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband.
“Wala s’yang ginagawang masama. He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka-unfair.”
Mixed ang mga reactions at comments ng netizens sa tweet na ito ni Maine dahil lalo lang daw niyang ginalit ang mga tao. Sana raw, hindi na lang siya nag-tweet at hinayaan muna si Arjo na magsalita.
Kaya lang, bilang misis, may karapatan si Maine na magsalita at ipagtanggol si Arjo. Lalo na’t sa kanyang IG, kung anu-ano na ang mga sinasabi laban kay Arjo at sa kanya. Inunahan pa nga si Maine na mag-o-off daw ito ng comment box kaya mag-comment na sila habang open pa ang comment box.
Vincent, ‘di kasama ng GF… BEA, DOMINIC AT SUE, SAMA-SAMA SA B-DAY PARTY
FIRST time yatang nagkita ng ex-couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque at nangyari ito sa birthday party ni Dra. Aivee Teo ng Aivee Clinic na parehong pina-patronize ng mag-ex.
Pati nga pagpapakuha ng picture na magkasama ay okay na sa kanila. Ang hindi lang sila ready ay makunan ng larawan na sila ay magkatabi.
I’m sure, may effort sa dalawa na hindi sila magtabi sa picture taking.
Sa photo na nakita namin, nasa gitna si Bea, samantalang si Dominic at current GF na si Sue Ramirez ay nasa dulo, sa left side ni Bea.
Ang katabi ni Bea ay sina Maja Salvador at Rambo Nuñez, at si Sarah Lahbati ang katabi nina Sue at Dominic. Malapit din sa kanila si Nadine Lustre.
Pare-parehong nakangiti sina Bea, Dominic at Sue at sabi ng mga netizens, masaya na sila sa kani-kanyang buhay, kaya huwag nang intrigahin pa.
Ang pinanghinayangan ng mga netizens, hindi kasama ni Bea ang boyfriend na si Vincent Co. Masaya raw sana kung nagkita-kita sila sa birthday party.
Naobserbahan pa nila na parehong white ang suot nina Bea at Sue at curious sila kung nagkita man lang sina Bea at Dominic. Nagkatinginan ba at nagbatian?
Sana raw, may mag-ispluk sa ibang bisita sa birthday party ni Dra. Aivee.
Ang ikinatuwa ng mga netizens ay ang malamang puwede nang magkita sina Bea
Alonzo at Dominic Roque. Sana raw, masundan pa ang kanilang pagkikita.








Comments