top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Umampon sa kanya, ni hindi binati… LOTLOT, DEDMA LANG SA NATIONAL ARTIST AWARD NI NORA

BULGAR
Jun 20, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 20, 2022




Nang mapili ang Superstar na si Nora Aunor bilang isa sa mga gagawaran ng pagkilala bilang National Artist, muli ay nag-abang ang mga Noranians kung magpo-post man lang ng kanyang pagbati si Lotlot de Leon.


Malaking karangalan para kay Nora Aunor ang tanghaling National Artist. Tiyak na ipagmamalaki siya ng kanyang angkan at pamilya.


Pero, dedma pa rin si Lotlot. Tanging sina Ian de Leon, Matet, Kiko at Kenneth ang dumalo sa ginanap na awarding ng mga National Artist sa Malacañang Palace. Hindi nakarating si Nora dahil maysakit ito at hindi pinayagan ng kanyang doktor na lumabas ng ospital.


Anyway, alam na ng mga Noranians na wala na silang aasahan pa kay Lotlot de Leon. Napakatigas ng kanyang kalooban at nagagawa niyang tikisin ang inang si Nora kahit na sa mahahalagang okasyon sa buhay ng Superstar.


Tuluyan nang tinalikuran ni Lotlot ang taong kumupkop sa kanya noon. Ganunpaman, hindi nagtanim ng galit at sama ng loob si Aunor sa anak. Pilit niyang inunawa si Lotlot.


Alam ni Guy na darating din ang tamang panahon na mari-realize ni Lotlot na kailanman ay hindi siya nagkulang sa pagmamahal sa kanyang mga anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page