top of page
Search
  • BULGAR

Umaming nagkamali, laglag siya sa Top 5... MICHELLE, HUMIRIT NG RESPETO SA MISS U ORGANIZATION

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 23, 2023




Naghayag ng saloobin ang beauty queen na si Michelle Dee kaugnay sa naging rason ng Miss Universe El Salvador sa nangyaring kapalpakan sa kanilang maling pagpapaskil ng listahan ng Top 5 sa kanilang social media ukol sa katatapos lang na Miss Universe 2023.


Sinabi ni Dee sa kanyang broadcast channel sa Instagram na, "There should be no room for error, but the reality is, we live in an imperfect world."


Tanggap na tanggap naman ng kandidata ng 'Pinas ang naging resulta ng sinalihang pageant.


Kasama si Dee sa Top 5 sa sinasabing maling nai-post nila sa kanilang opisyal na page imbes na si Miss Thailand Anntonia Porsild.


Naglabas na ng pahayag ang Miss Universe El Salvador organization matapos ang ilang araw at kanilang inamin ang nagawang pagkakamali.


Saad nila, buhat ito ng pagmamadali na maipaskil ang listahan.


Hiling ng Pinay beauty queen, maging marespeto hindi lang sa mga delegates kundi pati sa mga taga-suporta.


Pasok si Dee sa Top 10 at may tatlong special awards ngunit bigong makasungkit ng puwesto sa Top 5.




0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page