top of page
Search

by Info @ News | November 21, 2025



Bongbong Marcos

Photo File: Miss Universe Philippines



MISS UNIVERSE 2025 3RD RUNNER UP 🇵🇭👑💫


Itinanghal na 3rd runner up ang pambato ng Pilipinas na si Ma. Ahtisa Manalo sa 74th Miss Universe na ginanap sa Thailand ngayong Biyernes, Nobyembre 21.


‘I want to be the hope of the people’


Ito ang mula sa pusong sagot ni Miss Universe 2025 3rd runner up Ma. Ahtisa Manalo sa kakatapos lang na prestihiyosong pageant ngayong Biyernes, Nobyembre 21.


Nag-iwan ng marka ang kanyang mga salita para sa mga kabataan at sa kanyang adbokasiya sa Alon Akademie.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 23, 2025



Angel Locsin - FB

Photo: Angel Locsin / IG



Aktibong muli sa social media ang aktres na si Angel Locsin. 

Pagkatapos sa kanyang Instagram (IG), nakapag-post na rin si Angel sa kanyang X (dating Twitter) account kahapon.


Nawala pala ang dating account sa X ni Angel kaya hindi siya nakakapag-post doon.

Post ni Angel sa X, “Hello everyone, long time no chat. I just wanna say I have recovered my X account (totoo na ito, pramis). Thank you sa mga tumulong and @X for helping. I miss you all and ingat lagi.”


May ilang netizens ang nagduda kung tunay na si Angel na talaga ang nagpo-post sa X.

“‘Pag na-confirm ito ni Neil Arce, saka ako maniniwala,” sabi ng isang netizen.

Ini-repost ni Angel ang statement ng netizen sa kanyang X account, “Mahal ko, paki-confirm @neil_arce.”


Pagkatapos nito, nag-post na si Angel tungkol sa ipinaglalaban niya at ng iba pang celebrities tungkol sa malalang korupsiyon sa bansa.


Post pa ni Angel sa X, “Ang sa amin, galing sa hirap — ang sa inyo, galing sa mahihirap.”

Ang susunod na aabangan ng madlang pipol ay ang paglantad muli ni Angel Locsin sa publiko.



Pambato dapat ng ‘Pinas, umatras… 

AHTISA, UMAMING TAGASALO LANG SA LABAN SA MISS UNIVERSE 2025 SA THAILAND





NAGHAHANDA na ang Miss Universe-Philippines na si Maria Ahtisa Manalo para sa nalalapit na Miss Universe 2025 pageant na gaganapin sa Thailand sa

Nobyembre 21.


Noong Pebrero 13, 2025, muling na-appoint si Ahtisa bilang Miss Universe Philippines title holder para sa Quezon. Ito na ang ikalawang pagkakataon na irerepresenta niya ang bansa sa isang kilalang beauty pageant worldwide.



ree

Sa isang interbyu, inamin ni Ahtisa na ang kanyang muling pagkakapili ay isang “last-minute decision” dahil sa naging withdrawal ng kanyang lokal na successor. 


Tulad ng kanyang naunang pagtatangka, si Ahtisa ay itinuturing na frontrunner para sa korona. Ang kanyang pagganap sa mga unang yugto ay nakitang mas pinabuti kumpara sa kanyang unang stint.


Samantala, right choice siya bilang endorser ng Pina Skin Care products, isang local Filipino beauty brand, kung saan co-endorsers niya ang kapwa beauty queen na si Yllana Marie Aduana at ang dalawang sikat na aktres na sina Bianca Umali at Julia Barretto.



ree


Ipino-promote ni Ahtisa ang Pina Beauty Glow Lotion at iba pang produkto, at bahagi siya ng campaign na “More Than a Crown”.


Gamit na gamit daw talaga ni Ahtisa ang mga produkto ng Pina Beauty gaya ng Glow Lotion, at malamang ay bibitbitin niya ang brand kahit anuman ang mangyari.





MAGPAPANG-ABOT sa isang matinding salpukan ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Maris Racal sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na pinagbibidahan ni Coco Martin. 


Pasabog ang maaksiyong eksena ng dalawang aktres na mapapanood sa mga susunod na episodes kung saan mauuwi ito sa tutukan ng kutsilyo. 


Sa takbo ng kuwento ngayon, mapipilitan si Fatima (Andrea) na labanan ang pulis na si Ponggay (Maris) matapos siyang madamay sa operasyon sa pag-aresto kay Tanggol (Coco). 


Bago pa nito, una nang natakasan ni Tanggol ang mga awtoridad at dumiretso siya sa lugar ni Fatima upang pansamantalang magtago. Dehado ngayon si Tanggol dahil inaresto na ang kanyang pamilya at itotodo ng mga Guerrero ang paninira nila laban sa mga Montenegro.


Sa kabila ng pagbagsak ng pamilya Montenegro, sisimulan na ni Tanggol ang mas malaki niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon), na kasalukuyang nag-aagaw-buhay matapos barilin ni Rigor (John Estrada). 


Samantala, namaalam na sa FPJ’s BQ ang batikang aktres na si Chanda Romero pagkatapos siyang pagbabarilin ni Miguelito (Jake Cuenca).


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 12, 2024





Napa-“OMG!!!!!” si Miss Universe Philippines Chelsea Manalo nang mag-comment ang supermodel na si Tyra Banks sa kanyang post sa Instagram (IG). 


Ipinost kasi ni Chelsea ang headshot niya at official portrait sa Miss Universe 2024 at may caption na: “Philippines, let’s make it happen!” kung saan nag-react si Tyra ng, “Get it, girl!!!!!”


Nakakatuwa ang mga kababayan natin, sobrang tuwa sa comment ni Tyra Banks, at pati sila, napa-“OMG!!!” 


Icon daw kasi si Tyra at malaking bagay na napansin nito si Chelsea sa dami ng Miss Universe contestants. May nag-comment naman na hinintay niyang mapansin si Chelsea ni Tyra at nang mapansin nga, super-saya niya.  


Ang ganda-ganda ni Chelsea sa official portrait ng MUP, lutang na lutang ang face card at dito pa lang, panalo na siya. May nag-request pa na, “Bring home the crown,” na kapag nangyari, si Chelsea ang magiging 5th Miss Universe ng bansa.  


Suportado ng ibang beauty queens ang laban ni Chelsea, nabasa namin ang comment nina Atisha Manalo, Thia Thomalla, atbp.. Pati mga celebrities, naki-comment din, kaya ang saya-saya tiyak ng coronation night.  


Sey mo, Daniel? MOVIE NINA ALDEN AT KATHRYN, GAGASTUSAN NG FANS PARA SURE NA BLOCKBUSTER



Wala pa namang umaaway sa mom ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo nang muling i-post ang trailer ng Hello, Love, Again (HLA), pati na ang mall shows at TV interviews nina Kathryn at Alden Richards. 


Wala ring kumontra sa caption ni Min na: “How’s it been so far? We’re almost there,” na ang gustong tukuyin ay ang opening ng movie.


Nang unang mag-post si Min ng poster ng HLA, may mga negative comments at binash pa si Alden at kung anu-ano ang itinawag sa aktor. 


Pero sa bagong post ni Min, nagbago ang ihip ng hangin at tila puro KathDen fans na ang nag-comment. Walang nag-comment na mga KathNiel (Kathryn-Daniel Padilla) fans. At isa pang napansin namin, lahat ay excited nang mapanood ang HLA.  


May nang-inggit na sa midnight screening sila manonood at uulit pa sa opening at makiki-block screening pa. May uulit manood dahil siguradong mapupuno raw ng sigawan sa first day. 


Mukhang gagastos nang malaki ang KathDen fans, ang mga fans ni Kathryn at mga fans ni Alden para maging box-office hit ang HLA.  


Nabalitaan namin na lilipad sina Kathryn at Alden to grace the opening of the said movie sa ibang bansa. May pa-Meet-and-Greet sila with the fans na siguradong ikatutuwa ng mga kababayan natin sa mga bansang kanilang pupuntahan.  


Mister, 'di na raw happy, gustong magkaanak…

AI AI, SHOCKED NA BIGLA-BIGLA NA LANG NG HINIWALAYAN NI GERALD



KINUMPIRMA na ni Ai Ai delas Alas ang paghihiwalay nila ni Gerald Sibayan sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA)


Sa tanong ni Boy Abunda kung hiwalay na sila, “Oo, hiwalay na kami,” ang sagot ni Ai Ai.  

Bago sumagot, nagbitaw ng salita si Ai Ai na, “Kaya ko ‘to,” na ang gusto sigurong tukuyin ay makakaya niyang sagutin ang mga tanong ni Boy sa kanya. 


Hinayaan ni Boy na magsalita si Ai Ai na ikinuwento kung paano sinabi sa kanya ni Gerald na gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.  


“Last month pa, ‘di ko makalimutan, October 14, nag-chat s’ya at sabi niya, gusto n’yang magkaanak, ‘di na s’ya happy. Medyo confused ako, sana, hinintay niya akong makauwi ng Amerika. Bakit ngayon pa? Maraming bakit,” wika ni Ai Ai.  


Ayon pa kay Ai Ai, wala silang pinag-awayan ni Gerald. Sa buong pagsasama raw nila ay discussion lang. Umaga na raw nang mag-sink-in sa kanya ang nangyari. 


“Ang natural reaction ko ay magalit,” sabi nito.  


Tanong pa ni Ai Ai sa sarili, bakit sa oras na ‘yun, na madaling-araw sa Pilipinas. 


Tanong niya, “Marami akong tanong. Ano'ng meron sa October 14?”  


Nabanggit din ni Ai Ai kay Boy, “Nang magpakasal ako kay Gerald, inire-ready ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Alam kong bata pa si Gerald, baka magbago pa ang isip. Pero sana, ‘wag, sana, may forever. Sana, binigyan ako ni Lord ng magandang pag-aasawa... matagal. So, nagulat ako na ngayon na pala ‘yun. Akala ko, ‘pag 35 na s’ya.”  


Naiyak na si Ai Ai sa latter part ng kanyang pagsasalita. 


Sa sagot nitong “Fighting at lumalaban, super-nagdadasal at kinakaya ang lahat ng pagsubok sa buhay,” alam naming kakayanin nito ang bagong pagsubok sa kanyang buhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page