Umaming naging dyowa si JM, pero…"WALA NAMANG NANGYARI… CHAR!" — BARBIE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 13, 2022

Nag-react si Barbie Imperial sa tsikang FUBU (f*ck buddy) lang daw sila ng ex-boyfriend na si JM de Guzman.
Ayon sa aktres sa kanyang latest vlog titled Reacting to Controversial Rumors About Me, minahal naman daw niya ang aktor.
"Grabe, hindi naman FUBU, may emotions naman 'yun. Saka wala namang nangyari… Char!
Joke lang! (sabay-tawa).
“Hindi. No, it wasn’t just FUBU like. Ako siyempre, ni-love ko talaga si M, as in minahal. 'Di ba nga, sabi ko sa recent vlog ko na kahit hindi ex, minahal pa rin talaga?” pahayag ni Barbie.
Isa pang nilinaw niya ay ang nag-viral na photo nitong bago mag-eleksiyon kung saan ay magkasama sila sa isang hotel ni Xian Lim, na ang tsika nga ay nag-check-in sila.
Ayon kay Barbie ay sa Davao kuha ang larawan na ‘yun dahil may raket sila roon that time.
"Siyempre, isang hotel lang para madaling pumunta ru’n sa event mismo. So, siguro kung sasabihin mo na nag-check-in kami sa isang hotel, oo, naka-check-in kami talaga sa isang hotel pero that doesn't mean na isang kuwarto kami. Saka, ang bobo naman namin, nagpa-picture talaga?” sey niya.
Sinagot din ng aktres ang rumor na kabit siya ng isang politician. Natatawa niyang sabi, eh, di sana raw ay wala siyang mga bayarin sa bahay.
“Actually, feeling ko naman, as an artista, hindi mo talaga maiiwasan na masabihan ka na kabit ka ni ganito, ganyan, ‘yung mga sugar daddy, ganito-ganyan,” aniya.
Aminado naman siya na may mga lalaking nag-o-offer sa kanya na gusto siyang i-dinner or dalhin sa ibang bansa or ipag-shopping.
“Pero for me, no talaga,” aniya.
Hindi raw siya ang tipong materialistic na tao na kaya siyang bilhin ng pera or mamahaling gamit at mas gusto niyang paghirapan ang mga nais niyang bilhin.
“Hindi ako kabit. Bakit ba lagi akong ginagawang kabit ng mga tao?” aniyang natatawa.
At sa tsikang may boyfriend siyang pulitiko, dito na medyo nag-alangan ang aktres sa kanyang sagot.
"Well, hindi siya boyfriend, pero lumabas kami a couple of times. He's a very good man, he came from a very good family, like sobrang bait ng family. But hindi ko po siya boyfriend.
Pero palagi kaming nagkakasama as a group,” aniya, pero pagkatapos ay natawa siya sa kanyang sagot dahil hindi raw niya kayang magsinungaling.
“Sobrang 'di ko kayang mag-lie. Okay na 'yun, bahala na kayo manghula kung ano ang mayroon sa amin," natatawa niyang sambit.





Comments