top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Umaming nag-live-in sila… RICCI, PINAKAKASUHAN KAY ANDREA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 11, 2023



Posible palang makasuhan ang basketbolistang si Ricci Rivero dahil sa pagiging ‘kiss and tell’ nito tungkol sa naging relasyon nila ni Andrea Brillantes.


Base ito sa pananaw ni Atty. Claire Castro na ipinaliwanag niya sa talakayan nila ng kanyang co-host na si Radyoman Rod Marcelino sa programang Batas na mapapanood sa kanilang YouTube channel.


Si Atty. Claire ay dating anchor ng DZMM ng ABS-CBN noong may prangkisa pa ang nasabing network.


Nag-ugat ang talakayan nina Atty. Claire at Ginoong Rod sa pagiging kiss and tell ni Ricci, base sa panayam niya kay Boy Abunda sa Fast Talk kamakailan.


Muling ipinakita at ipinalabas ang naturang video interview ni Ricci sa programang Batas. Pero nakasentro ito sa naging sagot ni Ricci sa tanong kung nag-live-in sila ni Andrea.


“Siguro, Tito Boy, from time to time, we do. Pero ang gusto kasi ni Tita (Andrea’s mom) is for her to go home rin and ‘yun din naman ang sinasabi ko na ayoko rin na at this early age... gusto kong mag-focus ka rin sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako, kailangan ko ring mag-focus sa akin. Pero there are times na… we do sleep together.”


Ang paliwanag ni Ricci kung bakit siya nagpaunlak ng interview sa Fast Talk ay dahil sa matinding pamba-bash na natatanggap niya at maging ang kanyang pamilya ay nadadamay na rin.


Say ni Atty. Claire, “Siguro kung may namba-bash sa ‘yo, eh, di tanggapin mo! Part of life na uso ang bashing ngayon. Sabi nga, kapag may basher ka ay sikat ka na!”


Susog naman ni Ginoong Rod, “Sa showbiz kasi, ganu’n ang mangyayari, hindi lahat ay pabor sa ‘yo dahil pare-pareho kayo na may mga sumusuporta na tinatawag na mga fans.”


Sabi pa ng abogada, “Kaya sa akin lang, ikaw ang lalaki, ikaw na ‘yung magpakatatag, ‘yung puso mo ay dapat maging bato sa mga bashers kasi ‘yung babae (Andrea), hindi nagsasalita, eh,” opinyon ni Atty. Claire.


Dagdag pa nito, “May mga revelations siya na (para) sa akin as a mother, nakakapanting ng tenga. Unang-una, pinapalabas niya na hindi siya ang may fault, parang sobra na at ang may kasalanan ay si Andrea. Kahit hindi mo sabihin, iyon pa rin ang dating.


“Eh, for a guy na mag-pinpoint ka sa babae na siya ‘yung mali na hindi naman nagsasalita ‘yung babae, napaka-ungentleman ng dating.


“Tapos ito pa, Partner (Rod), napaka-blunt kasi tinanong kasi siya kung nagli-live-in sila.


Imagine mo. Tapos, tinanong kung ‘Did you try to win her back?’ tapos, sabi niya, ‘No!’


Wow, ang pogi mo! Ang pogi mo talaga.”


At hindi lang ‘yun, puwedeng mag-file ng case si Andrea laban sa ex-BF.


Tanong ni Rod, “Kung saka-sakali kasi nasaktan siya (Andrea), ‘yung ginawa ni (Ricci), ‘yung revelation, napahiya siya sa national TV ‘to, Partner. Hindi lang dito telecast ‘yan, meron na sila sa buong mundo through social media. Kung sa tingin ng panig ni Andrea na medyo naabuso, pupuwede ba siyang mag-file ng legal action dito?”


Pananaw ni Atty. Claire, “Sa akin, Partner, ganito, huh? ‘Yung sobrang revelation na ginawa ni Ricci na ang dating ay napaka-kiss and tell mo, eh, parang private relationship n’yo ‘yan, eh.


“Sa ating mga Pilipino kasi, Partner, hindi pa tayo ganu’n ka-liberated to accept the live-in situation, especially sa hitsura ni Andrea na mukhang bata, hindi pa siya na… hindi pa accepted, tapos, wala namang sinasabi si Andrea about that, tapos, you put Andrea on the spot, on that issue na ikaw naman ang may kagagawan!


“Partner, kung si Andrea ay makakaranas ng mental and emotional anguish, public ridicule (humiliation), papasok ito sa Violation Against Women And Children (VAWC) Section 5. Partner, ito ang paragraph (i), 'Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman and her child, including, but not limited to, repeated verbal and emotional abuse, and denial, of financial support or custody of minor children of access to the woman’s child/children,' kaya puwede siyang makasuhan.


"May mga bagay-bagay na akala ninyo, tama ang ginagawa n’yo, para kayo ‘yung maging malinis sa mata ng ibang tao, tapos nagpu-put down kayo, especially babae pa ‘yung ipinu-put down mo. Napaka-ungentleman!


“Again, hindi namin dyina-judge si Ricci as a whole, hindi ‘yung pagkatao niya. Dyina-judge namin siya sa ginawa niya, iyon lang, kasi baka naman mabait siya sa ibang tao pero this time, hindi siya gentleman, naging kiss and tell siya.


“'Pag ganyan ba ang magiging boyfriend mo, makakatuwaan mo ba? So, hindi okay sa akin, so, kung ako si Andrea, sasampahan ko ito ng violations against women and children causing emotional anguish.”


Bukas ang BULGAR sa panig nina Ricci and Andrea.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page