Umaming na-bully… HEART, PINALUHOD, INUTANGAN NG P2M, GINAWA LAHAT TANGGAPIN LANG NG MGA KAIBIGAN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 17, 2026

Photo: IG _iamhearte
May ilang rebelasyon si Heart Evangelista sa kanyang guesting sa programang Your Honor (YH), hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar, na idinaan niya sa temang blind item.
Aminado si Heart na napaka-naive pa niya noon nang nagsisimula pa lamang siyang pumasok sa showbiz. Madalas din umano siyang ma-bully at ipinahiya ng mga itinuturing niyang kaibigan.
Ikinuwento niya na nagawa niyang lumuhod sa isang party ng kanyang non-showbiz friend sa harapan ng maraming tao para lamang palabasin na bad girl siya.
Nagpakatanga rin daw siya para mapagbigyan ang isang kaibigan para lang mapatawad siya at mahalin uli.
May isa pa siyang ibinahaging blind item tungkol sa isang kaibigan na pinautang niya ng P2 million. Hindi lamang niya binanggit kung nabayaran siya ng naturang kaibigan.
Napag-usapan din ang isang pag-ibig na labis niyang pinanghinayangan na nawala sa kanya. May isang guy na itinuturing niyang TOTGA (The One That Got Away) na hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan.
Sa paglipas ng panahon, mas naging maingat na si Heart sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Marami na rin siyang natutunang lessons in life, at kahit konti na lamang ang kanyang circle of friends ngayon, mas panatag naman ang kanyang kalooban.
DARING at may pagka-seductive ang latest pictorial ni Kathryn Bernardo para sa kanyang endorsement ng jeans.
Tiyak na mapapansin ng kanyang mga fans ang sexy pictorial ng aktres, lalo na sa kaakit-akit na concept nito.
Muling ipinakita ni Kath ang kanyang mas mature na image, malayo sa dating bagets na nakilala ng publiko.
Nag-mature na siya sa maraming aspeto, kaya hindi na lamang ang dati niyang sweet image ang nakikita sa kanya bilang isang artista.
Patuloy din niyang ipinapakita ang pagbabago sa kanyang style at image.
Samantala, sabi ng ilang mga netizens, kung si Daniel Padilla pa rin ang kanyang karelasyon ngayon, baka hindi maging posible ang ganoong klaseng sexy pictorial kahit para sa isang endorsement. May pagka-conservative kasi, ayon sa mga netizens, ang aktor pagdating sa pananamit ng kanyang partner.
Nauntog na ‘di dapat maging kampante…
SHOOTING NG MOVIE, IPINAHINTO DAHIL KAY CHARO
SA launching ng librong SINE. FILM. PELIKULA: The 100+ Greatest Films of Philippine Cinema na dinaluhan ng mga celebrities tulad nina Charo Santos, Gina Alajar, Phillip Salvador, Richard Gomez, Amy Austria, Direk Joel Lamangan at Direk Carlitos Siguion-Reyna, nagbahagi si Charo ng kuwento tungkol sa naging encounter nila ni Direk Mike de Leon.
Ang pelikulang hindi niya malilimutan ay ang Kisapmata, kung saan kasama niya ang ilang magagaling na artista. Idinirek ito ni Mike de Leon at ipinalabas noong 1981. Si Charo rin ang line producer ng pelikula.
Ayon kay Charo, na-pack-up daw ang shooting dahil hindi niya nadala ang isusuot niyang blouse na may continuity sa mga naunang eksena niya. Dahil dito, nagalit umano si Direk Mike at ipinahinto ang shooting.
Ilang araw din daw na hindi sumipot sa set ang direktor, dahilan para mag-alala si Charo sa pagka-delay ng production.
Matagal silang hindi nag-usap ni Direk Mike kaya minabuti niyang puntahan ito sa bahay upang malaman kung babalik pa ba siya sa shooting ng Kisapmata.
Ipinasabi niya ang kanyang mensahe sa kasama ng direktor, at ang naging sagot umano ni Mike de Leon, “Babalik na raw po.”
Nang magbalik si Direk Mike, natapos din ang pelikula.
Para kay Charo, marami siyang natutunan sa paggawa ng films. Kailangan umanong ihanda ang sarili sa karakter na gagampanan at huwag maging kampante.
Sa kabilang banda, ipinapakita rin ng kuwento ang kahalagahan ng pagpipigil sa emosyon sa isang production. Kapag may aberya sa set, mahalagang huwag pairalin ang ego at init ng ulo upang maipagpatuloy nang maayos ang trabaho.





Comments