Umaming inagaw lang si Ogie kay Michelle… NETIZENS KAY REGINE: PAPANSIN KA!
- BULGAR
- Mar 23, 2022
- 3 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 23, 2022

Hindi feel ng mga netizens ang rebelasyon ni Regine Velasquez sa programang Magandang Buhay nu'ng Monday (March 21) na siya ang third party kaya nagkahiwalay si Ogie Alcasid at ang former beauty queen na si Miss Australia Michelle Van Eimeren.
Ayon pa kay Songbird, nagi-guilty pa rin siya at hindi mapatawad ang sarili dahil alam niyang may nasaktan siya.
Hindi man daw niya sinasadya na agawin si Ogie kay Michelle, nangyari talaga at hindi nga niya naiwasan.
Mukhang hindi nagustuhan ng mga netizens ang rebelasyon ni Regine dahil binatikos nila ang singer.
Maging ang nakaraan nila nina Gelli de Belen at Ariel Rivera ay naungkat din dahil siya rin ang sinasabing third party kaya nagkahiwalay ang mag-BF-GF pa lang noong sina Gelli at Ariel. Buti na lang daw at nagkabalikan sila at nagkatuluyan.
Anyway, back to Regine, komento ng mga netizens…
"Ano ba 'yan, gina-glamourize or niro-romanticize pa nila ang pagiging kabit or pangangaliwa. Dapat noon, na-cancel din 'yang si Regine kaya lang 'di pa uso ang cancel culture."
"'Di ko gets bakit need pa pag-usapan, tapos iiyak?"
"Troot! Kaka-normalize n'yo ng mga kabit, ok na ang agawan ngayon. Tapos, walang divorce, wahahaha!"
"Mali, hush-hush kasi 'yung relasyon nila. As early as 2003, may BI na sa kanila. Kaso mabait daw kasi 'yung couple kaya open secret na lang. Actually, sa SOP, obvious naman sila. 'Di na-cancel kasi si Michelle, may hiya naman. Umalis na lang. Bumalik na ng Australia."
"'Di ba, 3rd party din siya kina Gelli at Ariel?" naalala ng isang netizen.
"Kahit gaano kapilit si guy, if the girl knows that the guy is in a relationship, she has to have the decency to stay back. 'Pag pumatol ka, the blame falls heavily on you as well."
"In Regine's case, she's also guilty. Lahat ng tao, alam na may asawa 'yung mga lalaki na na-involve sa kanya. Ang harot talaga."
"Kina Janno at Bing din yata, almost? May sipa-sipa incident pa sila ni Bing dati, eh."
"Three times is a charm. 1st Ariel, 2nd Janno, 3rd Ogie."
"Buti 'di naman niya jinustify. Inamin niyang mali at na-guilty siya."
"OMG, now ko lang 'yan nalaman. Sana 'di na lang in-open ni Reg now, ayan tuloy, lumabas pa 'yung ibang 3rd party keme niya. Daaaaammmnn ang tindi pala ni Regine 3x... my gosh. Nagka-BF ba siya na hindi siya ang 3rd party?"
"Ang dami pang sinasabi. Ang kab*t ay kab*t, tapos! Nangangatwiran pang 'di sinasadya. Ikaw na lang nagbulag-bulagan nu'ng panahon na 'yun na hindi married na tao si Ogie, jusko. Ke bongga-bongga pa ng kasal dito sa Taal Church noon. Ogie Alcasid na siya, matagal na, alangan namang 'di ka aware umpisa pa lang na may asawa 'yung tao. Saka ikaw lang naman ang 'di umaamin na 3rd party ka, eh, alam naman 'yun ng lahat."
"Ewan ko sa 'yo, Regine. Dapat hindi mo na 'yan inilabas, tutal naman, settled na ninyo 'yang 3 nina Michelle. Papansin ka."
"Bakit ba need mo pang ungkatin 'yung past mo? 'Di raw sinasadya na you fell in love with Ogie while sila pa ni Michelle, eh, ano naman 'yung time na naging 3rd party ka rin sa relasyon nina Ariel at Gelli? Ayun, naalala ko kasi ini-remind mo kami."
"Walang excuse ang pagiging kabit, periodt!!!"
"Sorry pero hindi talaga nakakatuwa 'yung mga love story ng mga cheaters. Napaka-selfish niya, buti na lang, sobrang forgiving ni Michelle."
"Don’t me, ah. Twice mong ginawa which means you didn’t learn a thing or two. A mistake is a mistake. Do not justify it by saying na it happens sometimes. You roped yourself into those relationships knowing na they are in a relationship. Suwerte mo lang the legal wife and their kids forgave you and iniwan sila para pakasalan ka. Ngayon, ngangawa ka na you feel guilty pfft!"
"Sorry Regine but this is pure gimik. Why spill these dirty baggage of yours all of a sudden? For what? Eto talaga 'yung pagpapapansin na sinasabi. Stop the drama, Mumsh."





Comments