Umaming GF si Issa… JAMES, TAMEME SA PANLALAGLAG SA KANYA NG JADINE FANS
ni Nitz Miralles @Bida | March 21, 2023

Pormal nang in-announce ng Certified JaDine Fans ang pagbitaw nila ng suporta kay James Reid at itutuon na lang daw ang suporta kay Nadine Lustre, kasabay ng pagbabago ng kanilang pangalan, at ngayon ay makikilala na raw sila bilang Loving Lustre.
Sa official statement, walang sinabing rason ang grupo ng fans kung bakit si Nadine na lang ang kanilang susuportahan.
May mga naniniwalang may kinalaman ang pagbabagong ito sa pagputok ng balitang si Issa Pressman na ang bagong girlfriend ni James.
Para siguro makarating sa lahat, sa Facebook fanpage ng Certified JaDine nila inilabas ang announcement.
Kilala ang Certified JaDine bilang isa sa pinakamatagal at pinakamalaking support page ng love team na JaDine.
Samantala, wala pang sagot si James at ang kanyang Careless Management sa official statement ng nasabing fan support page. Ito ang inaabangan ngayon.





Comments